Kataksilan ang siyang Ugat

1.1K 23 0
                                    

Chapter11

Pormal na pormal ang mukha niya ng humarap kay Attorney Fernandez.Walang mabasang ekspresiyon sa kanyang mukha.Sa kasuotan niyang itim na itim na may pagka-konserbatibo.Tahimik siyang naupo sa long table,paharap sa abogado.

"Narito na ang kompletong mga papeles na nagsasalin sa pangalan mo ang isang resort na pag-aari ni Don Leonardo,Mercy.
Notaryado na ito at pirmado lahat ni Don Leonardo bago nagtungo ng Amerika."

Iniabot sa kanya ni Attorney Fernandez ang makapal na papeles na kung siya lamang ang masusunod ay hindi niya gustong maging kanya ang Resort ng matandang lalaki.Ngunit hindi pumayag si Leonardo na hindi siya ang hahawak sa malawak na resort nito.

Kasabay ng paghawak niya ng mga dokumentong iyon ay pumatak ang kanyang mga luha.Luha para sa lalaking marahil ay hinding-hindi na niya makakalimutan pa habang siya ay nabubuhay.
Si Leonardo De Capri na sa kanya ay legal siya nitong asawa.

Hindi niya nagawang tanggihan ang alok nitong pakasalan siya matapos nitong bayaran ang lahat ng pinagkaka-utangan niya.Naging napakabuting asawa ni Leonardo.Tinuraan siya nitong maging matatag sa pagharap ng problema.

Tinuruan din siya nitong magmahal.Isang uri nang pagmamahal na hinubog  sa respeto at pang-unawa.At marahil,kung bibigyan siya muli ng pagkakataon para mamili ng lalaking mamahalin at pakakasalan ay hindi siya magdadalawang isip na piliing muli si Leonardo.Hindi niya maiiwasan ang pananakip ng dibdib ng maalala ang matandang lalaki.

Paano naman niya makakalimutan ang isang lalaking pinagkaka-utangan niya ng malaking utang na loob.
Kung paano siya humantong sa estado niya ngayon.Isang lalaking walang naging hangad kundi ang matulungan at mabigyan katuparan ang kanyang pangarap.

"Mercy,ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang pinakamahalagang resort na ipinatayo ko para saiyo.I'm leaving pagkatapos ng isang buwan.Wala akong pipiliin kundi ang mabigyan ka ng magandang buhay.While me I will follow my wife."

"Pero Leonardo,"nag-aalangang sambit niya sa Don."Hindi ko matatanggap ang sinasabi mo.Isa pa paano kung hindi ko kayang alagaan ang Paradise resort?"

"May kasama kang mag-aasikaso at tutulong saiyo.Anak ng kaibigan ko.He is Prince Hanz Ocbian.He will guide you how to take care of the Resort."

"But...Are you really leaving?"malungkot niyang tanong sa matandang lalaki.

Tumango ito at niyakap siya.
"Babalikan kita pagkatapos kong ayusin ang dapat kung ayusin sa States.Isa pa kailangan kong makausap si Minerva if what is her plan.Mahirap pa naman espelengin ang ugali ng babaeng iyon."

"Hihintayin ko ang pagbalik mo,ha?Promise mo sa akin 'yan,tatawagan mo rin ako palagi.Tapos huwag mo akong kalimutan kapag nadun ka na,"kunway nagtatampong sabi niya rito.

Ngunit ano naman ang kanyang magagawa?Nasa kapasidad ba siya para pigilan si Leonardo sa kanyang pag-alis para sumama sa piling ng kanyang asawa?Ngunit iginagalang niya ang desisyon ng lalaki.

Pinakasalan lang siya ni Leonardo bilang kabayaran sa mga pinagkakautangan niya.Iyon lang iyon,wala ng mas hihigit pa.Malayo ang agwat ng edad nila ni Leonardo ngunit balewala iyon sa kanya.Napakabait sa kanya ng lalaki at wala itong hiniling kapalit sa kanya.

Marami sa mga kaibigan ni Leonardo ang nagtaas ng kilay.At alam niyang ang asawa nito ay lihim na pinasusubaybayan ang kanyang bawat galaw.Nang makausap niya si Minerva bago sila ikasal ni Leonardo ay sinabi niya ritong wala silang relasyon ng lalaki.

Ngunit...hindi niya ipinangako rito na hindi niya pakakasalan si Leonardo.Isang linggo pagkatapos mabayaran ni Don Leonardo ang kanyang mga utang ay agad nilang inasikaso ang kanilang kasal.Ngunit maliit lang talaga ang mundo dahil nalaman ito ng tunay na asawa ng Don.

"Walang hiya ka!Ang kapal ng mukha mo!"ani Minerva kay Mercy nang minsan dinaan siya nito sa kanyang maliit na botique.Naglilintik ang mga matang nakatingin sa kanya.Akala mo ay isang dragon na gusto siyang bugaan ng apoy.

"Ano'ng kasalan ko saiyo?"nagtatakang tanong niya sa estrangherong bisita.

"Ano'ng kasalanan mo sa akin?"balik tanong nito sa kanya.
"Ang galing mo rin ano?Ang sabi mo sa akin ay wala kayong relasyon ni Leonardo ngunit ano to'ng nalaman kong nagpakasal kayo ng asawa ko.You can't married him until I wont divorce him.Hindi puwedeng makasal ng dalawang beses ang isang lalaking may asawa na."

"And so?Kasal na kami,may magagawa ka pa ba?At saka,asawa ba talaga ang turing mo kay Leonardo?Where are you when he needed you the most.Andun ka sa malawak na stage at rumarampa.Yes,your right.Your husband can't marry me dahil ikaw ang tituladong asawa niya ngunit manhid ka.Pinakasalan lang ako ni Leonardo sa papel.As assurance that I won't run away with my dept to him."

"Alam kong naging makasarili ako sa asawa ko.But I don't want anyone to destroy my family.I don't want my daughter to have a broken family.Kaya ikaw binabantaan kita.Layuan mo ang asawa ko.Kung ano man ang problema namin sa isa't-isa kami nang dalawa ang aayos 'wag ka nang makisawsaw pa!"

"C'mon Minerva.Kung gusto mong manumbalik saiyo si Leonardo ipakita mo sakanya at iparamdam kung gaano mo siya kamahal.'Wag ka masyadong maputak dahil hindi yan nakakatulong."

"Mayabang kana ngayon.Meron kana bang ipinagmamalaki.Even now your legal wife of Leonardo.You can't have him.Sa mata ng mga tao,ako ang totoong asawa niya."

"Ganoon naman pala,eh.So,ano pa bang pinagpuputak ng butse mo riyan?Kung wala ka nang sasabihin sa kin Minerva,makakaalis ka na."

Nakakasakit lang nang kaloobang isipin na isa siyang kabit ng isang negosyanteng lalaki.Pero kahit ganoon ay napakasuwerte pa rin niya dahil nakilala niya si Leonardo.Ang tunay na dinaramdam niya ang labis na lungkot dahil tuluyan na siyang iniwan ng lalaki.

Aanhin niya ang kayamanAng nasa mga kamay niya ngayon kung wala naman ang taong tangi niyang kinagisnang nagmamahal sa kanya?Hindi niya namalayang umagos na pala ang kanyang mga luha habang nakatingin naman sa kanya si Atty.Fernandez.

Sa malas ay pinabayaan siy ng butihing abogado na ilabas ang lahat ng kinikimkim niyang damdamin kay Don Leonardo.
Magmula nang umalis ito patungong Amerika ay hindi na siya nito tinawagan gaya ng ipinangako nito sa kanya.

"Okay ka na ba?"pagkuwa'y tanong sa kanya nang mapansing nahinto na siya sa pag-iyak.

"Yes,Attorney,"basag ang tinig na tugon niya.

"Kung gayon ay basahin mo na ang mga papeles at saka mo pirmahan ang mga dapat na pirmahan na siyang magsasalin saiyo ang isang mansion at resort ni Mr.Leonardo De Capri."

Tahimik na binasa niyang lahat ang mga dukomentong nakaipong lahat sa isang folder.Ang mga real states documents na kinabibilangan ng bahay at lupang tinitirhan niya ngayon,ang isang private resort sa bayan ng Laguna.Ang certificate ng iba't-ibang corporation na may pinakamalaking share kung saan ito ay isa sa major stock holders.

Anupa't tunay na nakakalula ang laki ng halaga ng kayamanang ibinigay ni Leonardo sa pangalan niya.At gusto niyang mangimi nang tanggapin iyon.Gayon,pa man parang hindi niya magawang matuwa dahil lang sa kapirasong papel na sila ay kasal ni Leonardo ay magiging kanya na ang ilang ari'arian nito.

Muli siyang napaiyak.Mabuti nalang at natapos na niyang i-scan ang lahat ng mg papeles niya.Napirmahan na ang mga dapat niyang pirmahan.Kung nagkataon ay baka nabasa pa iyon ng mga luha.

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon