Kataksilan ang siyang Ugat

981 27 1
                                    

Chapter15

Napamaang ito at biglang naasiwa ng titig na titig siya sa labi nito.Bakit ngayon lang niya napuna na mapula at mapintog ang mga labi nito na tila nag -aanyang halikan?

"Kung anuman ang iniisip mo,'wag mo ng ituloy kundi sasamain ka sa akin,"banta ni Lynvy saka inambaan ng suntok ang binata.

Ngumiti lang si Hanz ng ubod timis.
"Bakit nga ba hindi?"

"Bakit nga ba na ano--suntukin kita?
Gusto mong makipag lipa to fist?
Ikuskos mo yang mukha mo dito sa kamao ko."
Naka ismid ito ngunit namumula naman ang mga pisngi.

Lalo lang naging pilyo ang ngiti ni Hanz.
'Why the hell not?
Bakit hindi ko agad naisip yun?"

"Nagtatamang-hinala ako sa ngiti mo,ha?
Papatakan na talaga kita,"banta niya rito.

Pinatulis nito ang kanyang nguso na kunwari hahalikan niya ito.Ngunit bago pa siya nakahuma ay nakakita na siya ng estrelya dahil dumapo na ang kamao nito sa nguso niya.Nakalog hindi lang ang front teeth at gums niya pati yata ang utak niya.Sa sobrang sakit ng suntok nito pakiramdam niya ay tumabingi ang labi niya at nagdilim ang kanyang paningin.

"Tinamaan ka ng lintik talaga,luka-luka ka.
Mananagot ka sa akin!"sabi niya sabay tayo at dambahin sana ito ngunit wala na ito.
Mabilis na itong nakaalis sa kinaroroonan nila.Ng masundan niya ito sa loob ay naabutan na niyang sinasarado ang pintuan ng kotse niya.

Umamba nalang siya sa ere.Buwisit na buwisit siyang nagmartsa patungo sa kotse niya hanggang sa makauwi sa bahay nila.Padabog parin siyang umakyat sa hagdanan ng makasalubong niya roon ang kanyang mama.

"O,hijo,bakit ganyan ang mukha mo?"puna ng Mama Mercy nito
"To your lips."

"Nothing,"padaskol na sagot niya.

"With that girl?Is she hard to get along?Balita ko mukhang kinakatalo ka."

"Yeah.That bitch she owes me.."tila batang sumbong niya.

Nagliwanag ang mukha ng mama niya."Just try to console her.Amuhin mo para magkaintindihan kayo.Minsan nagpapa-importante lang but in the end sinusukat lang pala ang pasensiya mo."

"Mama,"banta ni Hanz sa mummy niya.
"Ang babaeng 'yon, hindi iyon puwedeng amuhin.Laking States at kung umaasta akala mo sanggano."

"Alam kung galit siya sa akin dahil sa resort,but come to think of it now..Ikaw na ang may-ari,you can decide what to do.."

Gusto niyang ngumiti pero pinigilan ang sarili.
"Pasok na ako sa kwarto ko,Ma."

"Well,ayusin mo ang sarili mo at anytime ay darating na ang Papa mo.
Maligo kanaman you,stink!"

Napaungol siya.This day can't get any worse..Nilampasan niya ang kanyang ina at deretso na sa kanyang silid.
Ngunit saglit palang siyang naroon ng abalahin siya ng kanyang ina.
Nakasimangot parin siya ng pagbuksan niya ito.

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon