Kataksilan ang siyang Ugat

1K 23 2
                                    

Chapter13

Dumeretso ng mansion si Lynvy para magpalit ng bihisan dahil masyadong formal ang kanyang attire ng umagang iyon.Usually,nagsusuot lang siya ng ganong attire tuwing my conference meeting siyang dadaluhan.Magpapalit na sana siya ng damit ng biglang tumunog ang house telephone.
Boses babae nang angatin niya ito.

"Ma'am sa office po ito ni Sir Hanz.Gusto raw po kayong makausap ni Sir."

So this guy,bulong niya sa kanyang sarili.

"Hello,"wika niya sa istriktong tinig.

"Hello,"sabi naman ng binata sa kabilang linya.Malamig at malaking boses ang narinig niya.
Napaka-istrikto nga ng boses ngunit di' naman nakakatakot.

"Mr.Ocbian,"agaw niya.

"Yes.What the hell are you doing gayong may appointment ka sa akin."

"I know.But I change my mind.Balak ko na sanang puntahan ka ngunit nagbago na ang isip ko.I will not accept defeat.So,in case na hindi mo alam.I cancelled our meeting."

Nang bigla ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa gate ng mansion nila kasabay ng boses ng isang babae na malakas at tila natataranta.Sa pagkabigla ay naibaba niya ang telepono at napasugod sa gate.

Isang babae na sapu-sapu ang tiyan ang nabungaran niya na nakatayo sa kalsada.Sa tapat mismo ng gate nila.Sa malas ay tila manganganak ito at sa tapat pa ng mansion nila inabutan.

"Miss,manganganak na po ako.Ang sakit-sakit na po ng tiyan ko!"daing ng babae.

"M-manganak ka ba?"tila naguguluhang tanong niya sa estrenghera.

"Opo."

"Ay,sabi ko nga,"sabay tampal sa noo niya.
"Inhale..exhale!"na sabi niya sa babae at sinabayan pa niya ito ng pagbuga ng hangin sa bibig.
Wala pa naman ang katulong nila na si Aling Patring.Nasa palengke ito at namimili ng mga kailangan nila sa bahay.

Hindi na siya nag-aksiya ng panahon.Nakalimutan na niyang hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.Diretso siya ng kanyang kotse at pinaandar iyon.Tinapatan niya ang babe at isinakay ito sa kanyang sasakyan.

Inihatid niya ito sa pinakamalapit na clinic kung saan ay kilala siya.
"Eh,Miss De Capri,nasaan po asawa nang babaeng dinala mo rito?"tanong ng nurse sa information.

"W-wala po akong asawa,"nahihiyang wika ng buntis.

"Eh,sino po mananagot ng bill niyo,Ma'am?"

"I-admit niyo nalang siya at i-charge niyo nalang sa akin ang bill.Babalikan ko na lang siya mamaya,"walang pag-aatubiling wika niya.

"Ma'am,salamat po.Marami pong salamat."
Nakangiwi ang babae ngunit halata sa mukha nito at tinig ang matanding pasasalamat sa kanya.

Nagbalik siya sa bahay.Tinamad na siyang pumasok sa opisina.Tinawagan na lang niya ang kanyang sekretarya.
"Bukas nalang ako papasok,Joy.Ipunin mo nalang ang mga pipirmahan ko at dalhin mo dito sa bahay,"utos niya rito.

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon