Kataksilan ang Siyang Ugat

947 28 3
                                    

Chapter18

"Tingin ko saiyo ay gusto mo na akong tirisin,"narinig niyang sabi ni Hanz na ikinalingon niya.

"Mabuti,alam mo!Hindi ko talaga maintindihan ang drama mo Mr.Ocbian!Ano bang kailangan mo sa akin at hindi mo pa ako tinitigilan."

"Wala na akong kailangan saiyo pero ikaw meron."Tumayo si Hanz at lumapit sa kanya.

Tinalikuran niya ito at nginusuan.
"Umalis ka na,"parang nanunuyo ang kanyang lalamunan nang mamalayang napakalapit ng distansiya sa kanya ng binata.Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang may isang dipa nalang ang agwat nito sa kinatatayuan niya.

"Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil anak ako ni Mama Mercy.Ang babaeng naging kabit ng papa mo.And to tell you the truth,gusto ko sanang patunayan saiyo na mali ang mga balitang nasagap mo.Maybe,we can be a good friends."

Sarkastikong hinirap niya ang lalaki.
"It doesn't concern me anymore Mr.Ocbian.Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo.But anyway,we can never be friend!Kung sa tingin mo ay madadaya mo ako sa mga strategy mo sa babae ay nagkakamali ka.Ngayon pa lang ay hindi ka magtatagumpay sa plano mo."

"Ang dumi pala ng isip mo."

"You too!Marumi rin ang tingin mo sa akin.Iniisip mo na naghahanap ako ng mayamang matanda na puwedeng biktimahin katulad ni Mr.Santos."

"Ang hirap kasi saiyo,Miss De Capri masyado kang maramdamin.Bakit hindi mo na lang aminin sa akin na crush mo ako at ginagamit mo lang si Uncle Arnold na dahilan para hindi kita mahalata."

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa kagaya mong mayabang na...feeling pa!"matigas niyang sabi.Hindi niya gustong sabihin ngunit nais niyang makaganti rito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"What is your motive in returning back here?Di'ba nasa States ang mga magulang mo at ang trabaho mo?So,ibig sabihin lang no'n,kaya ka bumalik ay para habulin ang mga ari-arian ng Papa Leonardo mo na ibinigay niya kay Mama Mercy noon."mariing sabi ng binata sa kanya.

"At kaya nakikipaglapit sa akin ay upang makuha ang kalooban ko at nang sa gayon ay magkaroon ka ng pagkakataong angkinin ang iniwang resort ng ama ko sa iyong Mama."nakaangat ang kilay na sabi niya.

Nakita niyang dumilim ang anyo ni Hanz.At bago pa siya nakakilos ay nakabig na siya nito at mariing hinalikan.Mapangahas na inangkin ng mga labi nito ang kanyang mga labi.

Hindi niya gusto ang nangyayari ngunit muling nilusaw ng tamis ng mga halik na iyon ng binata ang tangka niyang panlalaban.Bumaba ang mga labi ni Hanz sa kanyang leeg at gumapang hanggang sa pinaka-cleft ng dibdib niya.

Doon niya pinairal ang kanyang isip.
"No!Stop!"awat niya at malakas na itinulak ang binata.

Humihingal na napaurong siya.Parang may narinig siyang bulong na iwanan na ang binata sa mga oras na iyon dahil kung hindi ay baka mangyari na ang hindi dapat mangyari.
Ang matuklasan nito ang lihim niya.
Yes.Isang lihim na tanging siya lang ang nakakaalam.

"Get out of this house,Mr.Ocbian!"pasigaw na pagtataboy niya sa binata habang nakaturo ang isang daliri sa pinto."Baka nakalimutan mong pag-aari ko na ang bahay na ito!Puwede kitang kasuhan ng tresspassing."

"Bakit kailangan mong dayain ang sarili mo,Miss De Capri?I can feel na gusto mong tugunin ang mga halik ko ngunit pinipigilan mo lang ang iyong sarili.Bakit hindi mo lubusang ipaubaya ang sarili mo sa nais ng katawan mo?"

"Hindi ako cheap na babae na gaya ng inaakala mo.And please bear in mind,your not worth for my love.May nag-mamay ari na ng puso ko at mahal ko siya."

Mapaklang ngiti ang isinukli ni Hanz.Tinungo nito ang pinto habang nakalingon pa rin sa kanya.Bago lumabas ay tumigil ito sandali.
"Sabihin mo ulit iyan sa akin the next time na mahahalikan ko ang mga labi mo,Lynvy.I swear,ikaw ang hihingi sa akin para ituloy ang gusto kong gawin."

"Bastos kang talaga!Ang laki ng tiwala mo sa sarili mo!"Nahagilap niya ang throw pillow at inihagis iyon kay Hanz.

Humalakhak na dinampot ni Hanz ang nasabing throw pillow at ibinalik sa lagayan.Pagtapat  sa kanya ay huminto ito.Hinawakan ang baba niya.

"Masyado kang hot,Miss Lynvy.Alam mo bang lalo akong napo-provoke kapag ang isang babae ay nagpapakipot?"nakakalokong sabi nito.

Hindi na niya napigilan ang sarili at kusang lumipad ang mga kamay niya sa pisngi ng binata.
"Get out!Get lost!Umalis ka na!"
Iyak niyang sigaw rito.

Natigilan si Hanz sa naging reaksiyon niya.Hinawakan nito ang kamay niya ngunit tinabig niya iyon.
"Nagsasayang ka lang ng mga luha mo,Miss Lynvy."

"Alam ko!"

"Tears are for dead.Not for a kissing man like me."

"I hate you!"

"I'll be back."

"What else do you want?"

"You!"

Napanganga siya at napahinto sa pag-iyak.Matagal nang wala si Hanz sa kanyang harapan ay hindi pa rin siya nakahuma sa kinatatayuan.Ano ba talaga ang drama ng hudyong iyon?

Naligo siya.Nagbihis.Sinadya niyang magpatanghali ng pasok ng araw na iyon.Para kasing siyanh na nanamlay.Ang dahilan,hindi mawala sa isipan niya ang kapangahasang pinagaggaw ni Hanz sa kanya.

Kung hindi nga lang importante ang meeting niya sa kanilang kompanya ay baka mas nanaisin pa niyang humiga ng maghapon na lang.Bakit naman kasi parang ramdam na ramdam niya ang mga mapupusok na labi ni Hanz sa labi niya.

At bakit parang nararamdaman pa rin niya ang init at hininga nito sa punong tainga niya at leeg.
May lahi yatang mangkukulam ang lalaking iyon at nagayuma na siya.Pilit niyang iwinaksi ang alaala ni Hanz.Nagmamadali na siyang nagbihis para pumasok sa opisina.Ni hindi na niya nakuhang maglagay ng make-up.
Dahil tanging wala siyang gana.

Before lunch na nang makarating siya sa kanyang opisina.May hatid kaagad na mensahe sakanya ang kanyang sekretarya.
"Ma'am, mabuti naman dumating na kayo.Umuusok ang telepono ko kanina pa.And guess kung sino ang may gawa?"

"May hindi ka ba nabayarang supplier?"

"Ma'am,updated tayo sa mga payables natin,no!"

Napakunot-noo siya.
"Who is that caller?"

"Si Mr.Hanz Ocbian Jr.Who else!"

Nauwi sa simangot ang kunot ng noo niya.Ang hudyo ayaw talaga siyang tantanan!

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon