Isinuot na ni Dessabel ang mahiwagang singsing at nakaroon ito ng mga paa. Nagkaroon narin ito ng damit na kulay asul. ( dahil sa mahiwagang singsing)
Pagkatapak niya sa Never Island, namangha na lamang siya sa mga nakikita niya. Napakagandang isla na hindi niya inaasahan dahil iba ang itsura nito kapag nasa tubig ka. Sa pagkakamangha niya ay napasayaw siya, napakasaya ang nararamdaman niya na kahit kailan ay di niya naramdaman sa ilalim ng dagat. Maraming nilalang ang nkapaligis sa kaniya, na kapag pinagmamasdan niya ito'y para na siyang maloloka sa sobrang kasiyahan ang nararamdaman niya.
Dahil sa sayang nararamdaman nito nawala na sa isip ni Dessabel ang unang misyon na kailangan niyang gawin, ang hanapin si Dora.
Ang Never Island, ay lugar kung saan lahat ng bagay na makikita mo ay magbibigay ng kasiyahan sayo. Ngunit akala mo lang na yung mga bagay na nakikita mo dito ay totoo dahil lahat ng bagay dito ay hindi nag-e-exist. Lahat ay nasa isip mo lang. Nililinlang ka para makulong ka sa mundong pinapangarap mo, na kapag hindi ka na makaalis ay magiging isa ka narin sa mga bagay na naririto na walang ginawa sa buhay kundi ang manloko/ manlinlang.
Twenty three hours na ang lumipas ng biglang napatigil si dessabel sa sayang nararamdaman nito.
"Dessabel, gumising ka! lahat ng nakikita mo riyan ay hindi totoo. Hanapin mo na si Dora. Isang oras nalang ang natitira bago ka makulong sa panaghinip mo." isang boses na bumulong kay Dessabel upang magising ito.
Lumaki ang mata ni Dessabel sa gulat na. 'Isang oras. Kailangan ko ng mahanap si Dora!'sabi niya sa isip niya. Ipinikit nito ang kaniyang mata ng tatlong segundo, pagmulat niya ay naglaho lahat ng mga baga na akala niya totoo.
"Never Island pala ito. Never na nag-exist lahat ng bagay na nakita ko.Kailangan ko ng mahanap si Dora!" sabi niya na tila may kausap kahit wala naman.
Tumakbo ito kahit di niya alam kung saan siya tutungo ay tanging nasa isip lang niya ay kailangan niyang makita si Dora.
Dora. Dora. Dora.
Napapikit ito at habang nakapikit ito ay tila parang nakikita parin niya ang dinaraanan niya. Nakikita niya ang isang tuwid na daan.
"wag kang dumilat. ituloy mo lang iyan." sabi na naman ng boses na narinig niya.
Susundin ko ba ang boses na narinig ko? ngunit baka isa rin ito sa mga lumilinlang sa akin. Sabi niya sa kaniyang isipan. Ngunit di niya namamalayan na sinusunod na pala niya ang sinabi ng boses.
Dumiretso siya. Mabang tuwid na daan, na sa dulo nito'y may liwanag. nakapikit parin si dessabel at tinakbo ang daan upang makarating sa liwanag.
Naramdaman niya na hindi niya dapat buksan ang kaniyang mga mata dahil baka pagbukas nito ay mawala lahat ng nakikita niya kapag nakapikit siya. At iyon nga, tumakbo siya hanggang makarating sa liwanag......