Pag-asa.

53 0 0
                                    

Sa pinakamalayong lugar naman na tinatawag na Storybrooke kung saan dito nabubuhay ang mga tao. Walang magic. Lahat ng bagay pwede. Maging masaya, malungkot, makipagkaibigan, makipag-away,mahalin, magmahal at marami pang iba. Lahat malaya sa lahat ng gagawin nila sa kanilang buhay ngunit sa lugar na ito may kaparusahan din ang mga masasamang nilalang. Dito hindi gumagana ang mga kapangyarihan ng iba't ibang nilalang. Lahat ng nakakapasok dito ay nagiging normal.

At dito matatagpuan ang Tunay na Pag-ibig.

~~~~~~

Sa ilalim ng karagatan.

Nalulungkot ng nalulungkot si Dessabel dahil ilang araw na ang lumipas ngunit di parin niya ulit nakikita ang nag-iisa niyang kaibigan na si Andrea. Kaya napagpasiyahan nitong mamasyal hanggang sa makarating siya sa mababaw na parte ng dagat. Nakita niya ang malapit na isla, Never Island. Maya maya pa ay naramdaman niya na may tumabi sa kaniya, si Andrea.

"Ba't ka nandito kaibigan?" tanong ni Andrea.

"Tumitingin lang ako ng mga bagay na pwedeng makita." sagot naman ni Dessabel.

"Alam mo ba ang tungkol sa ilang iyan?" sabi ni Andrea.

Umiling lang si Dessabel upang iparating na hindi nito alam kung ano mang kwento ang nasa likod ng isla na natatanaw nila.

"Iyan ang NEVER Island. Lahat ng bagay na makikita mo diyan ay hindi totoo. Kumbaga sa isip mo meron sila pero wala naman." kwento ni andrea.

Patuloy lang sa pakikinig si Dessabel.

"Mapanganib ang lugar na iyan. Lahat ng bagay diyan ay lilinlangin ka hanggang sa hindi ka na makaalis, kaya wag kang pupunta riyan." patuloy na kwento ni Andrea

Hindi maalis sa isipan ni Dessabel ang mga narinig niyang kwento galing sa kaniyang kaibigan. Patuloy parin nitong iniisip kung bakit maraming kakaiba sa mundo. Sa kaniyang pag-iisip ay di niya namalayan na nagkakagulo na naman sa kanilang lugar dahil may nahuli na naman ang mga shokoy na masaya. Sa pagkakataong ito, isang matandang sirena ang nahuli nila. Naawa siya dahil inaalipin nila ang matandang sirena. Dahil bawal ang maawa hindi makikita sa mukha ni Dessabel ang naaawa. Umalis nalang ito at tumungo sa ibang lugar.

Pagkalipas ng maraming maraming oras. mga apat siguro? HAHAH bumalik si Dessabel sa lugar kung saan niya nakita ang matandang sirena na hinuli kanina. Nakita niya ang matandang sirena na ikinulong. Dahil sa ipinanganak na talagang matigas ang ulo ni Dessabel, nilapitan nito ang matanda at kinausap.

"Ano pong rason at hinuli po nila kayo?' tanong nito sa matanda.

"Nagkaroon ako ng pag-asa at sa sobrang kaligayahan ang naramdaman ko napangiti ako ng di ko namamalayang may nakamatyag sa akin." sagot naman ng matanda

"Anong pag-asa po?" naguguluhang tanong ni Dessabel

"Pag-asa na bumalik lahat sa dati ang mundo natin." seryosong sabi ng matanda

"Dating mundo natin?" tanong ulit ni Dessabel

"Oo eneng, ang dating mundo natin na puno ng kasiyahan at pagmamahal." sabi ng matanda

"Bakit po kayo nagkaroon ng pag-asa?" tanong ni Dessabel

"Dahil sinabi ng kaibigan ko na may pag-asa pang ibalik lahat sa dati. Eneng, tulungan mo ako. Kailangan ko ang tulong mo." pagmamakaawa ng matanda

"Ako po si Dessabel. Paano ko po kayo matutulungan?"

"Puntahan mo ang kaibigan kong diwata. Matatagpuan mo siya sa isang kweba na malapit sa Never Islang. Bilisan mo Dessabel, puntahan mo siya. Iligtas mo ang mundo natin!" 

Dali daling umalis si Dessabel at si Andrea upang ibahagi ang natuklasan nito.

Ang Paghahanap ng Tunay na Pag-ibig. (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon