"Haaaaaaaaaaaaaay. kanina pa kami naglalakbay papunta sa lugar na hindi ko naman alam. Wala naman akong magagawa. Di rin ako pwedeng sumuko nalang at bumalik sa lugar kung saan ako nanggaling. Sinimulan na namin ito at kailangang tapusin, wala ng urungan! Napakaseryoso naman ng mga kasama ko. Hmmm." nasa isipan ni Dessabel
Napagpasiyahan niyang maglakbay nalang muna sa sarili niyang isipan habang hindi pa sila nakakarating sa lugar kung saan nila matatagpuan si Invisible Webs.
"Bakit kaya napakaraming epal sa kwentong ito? Akala ko madali lang hanapin ang tunay na pag-ibig na 'yun! Teka, ano nga pala yung tunay na pag-ibig? Pagkain kaya yun? Hayop? Bagay? o kung anong nilalang? Hala, sana magugustuhan ko man kung ano ang tunay na pag-ibig na iyon. Pero ang pinagtataka ko lang bakit napakarami ang umaasa sa tunay na pag-ibig na iyon? Tila yun lamang ang sagot sa lahat ng tanong na mayroon ang lahat ng nilalang eh. Hay, basta kung ano man ang tunay na pag-ibig na iyon mahahanap rin namin yun! dahil iyon lamang ang makakatulong sa mundo namin at sa iba pa. Tunay na pag-ibig....Tunay na pag-ibig....Tunay na pag-ibig....Tunay na pag-ibig...." nasa isipan ni dessabel
Dahil sa masyadong abala si Dessabel sa kaniyang isipa'y hindi niya napansin na nahiwalay na siya sa kaniyang mga kasama. Nang nakabalik na siya sa kaniyang katinuan tsaka niya napansin na wala na ang kaniyang mga kasama at nag-iisa na lamang siya sa lugar na maraming puno at iba't ibang uri ng halaman. Natatakot ito dahil napakadilim ng lugar na kaniyang kinatatayuan.
"Dora! Jeptha Map! JaVin! Yohooooo! Nasaaaan na kayoooooo?" sigaw ni Dessabel.
Inuulit ulit lamang niya ang mga salitang yan at nagbabakasakaling marinig siya ng tatlo nitong kasama. Patuloy pa rin siya sa kaniyang paglalakad, nang makaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang kapaligiran. Tumaas ang kaniyang balahibo dahil sa mga kaluskos na kaniyang naririnig sa iba't ibang parte ng mga halamanan.
"Ma-may nilalang ba riyan?" nauutal na tanong ni Dessabel
Nararamdaman niyang may papalapit ng papalapit sa kaniya. Maya maya pa ay lumabas na ang Limang nilalang na kamag-anak ni Javin Swiper.
"Si-sino kayo?" tanong ni Dessabel sa mga nilalang na nakapalibot sa kanya. Nakakatakot ang mga itsura ng mga ito.
"Ha! hindi mo kami kilala?" maangas na tanong naman ng isang taong warrah (falkland Islands fox), si Abrahamy.
"Ta-tanungin k-ko b-ba kung a-alam ko?" nanginginig na si Dessabel dahil sa mga nakikita niyang pagmumukha.
"Kami lang naman ang lost boys! sikat kaya kami dito sa Never Island." mayabang naman na sabi ng isang taong Helarctos malayanus o sa madaling salita 'sun bear', si Gley.
"Mukhang masarap ang isang 'to." patay gutom na sabi naman ng isang human raccoon dog, si Joemy.
"Tamang tama hindi pa tayo kumakain!" masayang sabi naman ng isan sing patay gutom na human skunk, si Alexy.
"Kakakain lang kaya natin! Maawa naman kayo sa isang 'to.Hmmm" sabi naman ng isang human rabbit, si Jhaly.
Nakahinga naman ng maluwag si Dessabel dahil naisip nito na mukhang mabait ang isang nakakatakot na rabbit na mukhang nag-iisip parin sa harap niya.
"Itali na muna kaya natin siya at bukas nalang kainin!" suhestiyon ni Jhaly pagkatapos nitong mag-isip.
Napatanga na lamang si Dessabel dahil sa maling akala niya sa isang nilalang na iyon.
"Maganda ang iyong naisip kaibigan! Ikaw talaga ang maaasahan!" masayang sabi ni Joemy.
"Te-teka maawa kayo sa akin!" nagmamakaawa si Dessabel sa limang nilalang na nakapalibot sa kaniya.
Hindi siya pinansin ng mga ito at patuloy lang siyang pinalibutan hanggang sa wala na siyang nagawa at naitali siya ng mga ito.
Kasalukuyan na silang naglalakad ngayon patungo sila sa may malapit na ilog. Hinihila lang siya ng lost boys hanggang sa makarating sila sa isang kweba na matatagpuan malapit sa nasabing ilog.
"Magpahinga muna tayo." sabi ni Gley sa mga kasama.
Tumango naman ang mga ito dahil pagod na rin sila at gusto narin nilang makapagpahinga.
"Magpahinga ka na rin, nilalang. Para naman masarap ka bukas." nakangising sabi ni Jhaly, bakas sa mukha nito ang sabik sa pagkain kay Dessabel.
Natatakot si Dessabel dahil ayaw niyang kainin na lamang siya ng lost boys, iniisip niya na magmumukha siyang sardinas na pinaghatian ng limang nilalang na nasa harapan niya. Hindi makasigaw upang huminge ng tulong si Dessabel dahil nakatakip ang kaniyang bibig at di rin ito makatakas dahil itinali nila siya sa mukhang poste na nasa loob ng kweba na kinaroroonan nila.
Mahimbing ng natutulog na tila mga asong pagod ang lost boys. nag-iisip si dessabel ng paraan kung paano ba siya makakatakas sa mga ito.