"Bakit ka malungkot?"
Napalingon si Dessabel kay Mikee dahil sa tanong nito.
"Iniisip ko lang ang mga kasama ko, kung nasaan na ba sila o kaya kung mahahanap ko pa ba sila." sagot ni Dessabel
"Bakit mo kailangan ikalungkot ang bagay na yan?" tanong ulit ni Mikee
"Kasi nakakalungkot eh, dahil yung isipin pa lang na malayo ka agad sa mga taong kahit sa kaunting panahon mo lang nakilala ay mahalaga na sayo, napakalungkot. Sobra." malungkot na tugon ni Dessabel
"Oh sige malungkot ka ng malungkot, tapos ano? May magbabago ba?" tanong na naman ni Mikee
Hindi nakasagot si Dessabel dahil napaisip siya sa sinabi ni Mikee.
"Alam mo Dessabel ganito yan, may mga bagay talaga na nakakalungkot isipin pero bakit kailangan mo pang ikalungkot yun eh malungkot na nga diba? may mga bagay na nakakainis pero bakit kailangan mo pang ikainis? matutulungan ka ba ng pagkainis mo para mawala ang inis na nararamdaman mo? At bakit mo pa pinoproblema ang problema? hindi ba't problema na nga? Napakaraming bagay talaga na sa halip na hindi lumala pinapalala lang natin,yung malungkot mas pinapalungkot lang natin, yung nakakainis mas lalo nating itinatanim sa isipan natin, yung problema mas lalo nating pinoproblema kaya kadalasan yung problema natin ay nananatiling problema nalang,ganoon rin sa kalungkutan,galit at iba pang bagay. Bakit hindi nalang tayo ngumiti at mag-isip nalang tayo ng paraan para hindi mapanatili yung mga bagay na yun sa buhay natin at ng mga bagay na makapagpapagaan ng loob natin."
"Tama ka Mikee, masama ang malungkot, mainis at mamoblema. Dapat di ko yun pinapanatili." sabi ni Dessabel sabay ngiti kay Mikee
"Ganyan dapat! Ngumiti ka lang parati. Kasi alam mo ba kapag ngumingiti ka maaari ka ring makapagpangiti ng ibang tao." masiglang sabi naman ni Mikee
"Salamat Mikee." nakangiting sabi ni Dessabel
Parang unti unting bumagal ang sariling mundo ni Mikee sa pag ngiti ni Dessabel sa kanya. Nakaramdam ito ng kakaiba ngunit di nalang niya ito binigyang pansin at ngumiti na lang din kay Dessabel.
"Halika, marami ka pang kailangang matutunan." sabi ni Mikee
"Alam mo Mikee marami na akong natututunan sayo. At ang pinakagusto ko sa lahat ng iyon ay ang ngumiti. Masarap pala sa pakiramdam kapag lagi kang ngumingiti at di iniisip yung mga bagay na makakapagpalungkot sayo." halos abot hanggang langit ang ngiti ni Dessabel
Sa kabilang banda naman kung saan gumagawa ng paraan sina Dora, Jeptha at JaVin kung paano nila mahahanap si Dessabel.
"Dora, kailangan nating malaman kung saang parte ng Mt. Wilmy si Dessabel, di pwedeng matagalan tayo sa paghahanap sa kaniya." seryosong sabi ni Jeptha Map kay Dora
"Hindi ba't mga witch kayo? Alam kong marami kayong spell na pwedeng makatulong sa atin." sabi ni JaVin
"Ikaw na bahala Jeptha MAP." sabi naman ni Dora
"Phasmatos Tribum, Nas Ex Viras Sequita Saguines Ementas Asten Mihan Ega Petous"
kasalukuyang sinasabi ni Jeptha ang mga salitang yan habang nakapikit ito at iniisip si Dessabel. Pagkatapos ay nalaman na nila na nasa kaharian siya ni Mikee Fun. Alam ni Jeptha na hindi mapanganib na nilalang si Mikee Fun dahil ito ay kilalang pinakamasayahing nilalang sa Never Island kaya hindi nila kailangang mag-alala.
"Bigyan mo ako ng papel at panulat." naisip ni Jeptha Map na gamitin ang message spell kung saan gagawa sila ng sulat at lalagyan nila ito ng isang hibla ng buhok ni Dessabel na nakuha ni Dora sa suklay na ginamit nito.