Mahiwagang singsing- Infinity.

225 0 0
                                    

"kaibigan, iyan na yung kwebang hinahanap mo." sabi ni Andrea habang itinuturo nito ang kweba na malapit sa kinaroroonan nila.

"Tara samahan mo ako!" sagot naman ni Dessabel.

"Hanggang dito nalang ako kaibigan. Hindi pwede ang mga nilalang na tulad ko sa lugar na iyan."  sabi ni Andrea

Hindi na nagtanong pa si Dessabel sa kaibigan dahil nagmamadali ito. Tumango nalang ito sa kaibigan at tumungo na sa kwebang iyon, kung saan makikita ang diwatang tinutukoy ng matandang sirena.

Nang makarating na si Dessabel sa harap ng kweba tumawag siya upang malaman kung nandun nga ang diwata. Isang napakagandang tinig

'La la la la la la la la'

at lumabas ang napakagandang diwata, si Diwata Mayumi.

"Anong maipaglilingkod ko sa isang tulad mong sirena?" tanong ni Diwata Mayumi

"Ako si Dessabel.Pinapunta po ako ng isang matandang sirena dito, ang sabi niya'y kaibigan niyo po siya at kayo po ang makapagsasabi sa akin kung paano maibabalik ang dating mundo." sagot ni Dessabel

Napaisip si Diwata Mayumi sa sinabi ni Dessabel.

"Handa ka ba sa lahat ng pwedeng mangyari?" tanong nito kay dessabel

"O-opo." nauutal na sagot ni Dessabel dahil nakaramdam ito ng takot. Ngunit dahil matapang siya at di siya nagpatalo sa takot na nararamdaman niya kaya niya naisagot iyon. Handa siyang gawin lahat para sa kanilang mundo.

Sinabi lahat ni Diwata Mayumi ang kailangang gawin ni Dessabel.

"Hanapin mo ang Tunay na pag-ibig na siyang makakapagsira sa Linlang, ang malaking hadlang sa pagitan ng lahat ng nilalang at sa pag-big. Iyon lamang ang makapagpapabalik sa lahat." seryosong sabi nito kay Dessabel.

Ibinigay ni Diwata mayumi ang isang singsing, Infinity, at inutos na hanapin ni Dessabel si Dora na siyang makakatulong sa kaniya sa paglalakbay.

"Isuot mo iyan pagkarating mo sa Never Island." sabi ni Diwata Mayumi

"Mag-ingat ka. Mapanganib ang lugar na iyon." huling habilin ng diwata bago umalis si Dessabel.

Ang Paghahanap ng Tunay na Pag-ibig. (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon