Nagkaroon ng malaking hadlang sa lahat ng nilalang at sa pag-ibig, ang Linlang.
Lahat ng bagay na iyong nakikita ay di dapat paniwalaan dahil yun ang nakikita ng iyong mata. Maraming bagay dito sa mundo na maganda sa paningin mo ngunit hindi mo alam kung ano nga ba ang nasa likod ng magandang imahe na nakikita mo. Kailangan ng pag-iingat sa lahat ng bagay na gagawin at sa pagtitiwala sa mga nilalang na nakapalibot sa'yo.
Upang masira ang malaking hadlang na ito kailangan mong hanapin ang tunay na pag-ibig. Ito lang ang makakapagpabalik sa lahat ng saya, pag-asa, tiwala at pagmamahal sa mundo.
~~~
"Lumayo ka sa akin!" sigaw ni Khesa
"Khesa, pakinggan mo muna ako." pagmamakaawa ni Martin
"Niloko mo ko! Ginamit mo lang pala ako! Magbabayad ka! Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa akin! Pagsisisihan mo na sinaktan mo ako!" nasa itsura ni Khesa ang sakit at galit na kaniyang nararamdaman.
Nagsimula ang lahat nang umibig ang isang sirena sa isang tao.
Sa isang mahiwagang isla na tinatawag na FOREVER natagpuan ni Khesa, ang reyna ng lahat ng may buhay sa ilalim ng karagatan, ang isang taong bumihag sa kaniyang puso, si Martin. Sinadya ni Martin na paibigin si Khesa dahil alam nito na reyna ng karagatan si Khesa, sa kailaliman ng karagatan kung saan maraming ginto, perlas at iba pa. KAYAMANAN, ito ang sumilaw kay Martin dahil gusto nito na iahon ang kaniyang pamilya sa hirap ng buhay.
Naging mayaman si Martin, hindi lang mayaman kundi mas mayaman pa sa mayaman. Lahat ng gustuhin niya sa mundong ibabaw nakukuha niya sa isang kurap lang. Ngunit ang buhay ay sadyang mapaglaro dahil nalaman ni Khesa na ginamit lang siya ni Martin at hindi siya nito mahal. Ang nag-iisang tao na kaniyang pinagkatiwalaan at minahal ng husto na akala niya ay tunay rin na umiibig sa kaniya ay ang tao na siyang dahilan kung bakit napuno ng sakit, galit, kalungkutan at lahat ng damdamin na kahit sino ay hindi ninanais na magkaroon. Dahil sa halo halong emosyon ang nararamdaman ni Khesa, sinira niya ang islang Forever. Lahat ng magagandang bagay sa islang iyon ay napalitan ng di kaaya aya sa paningin ng lahat ng nilalang. Nahati ang isla sa tatlo ito ay ang Never Island, Misery Island at Hatred island.