"Buksan mo na ang iyong mga mata." sabi ng isang babae na mag maiksing buhok.
Iminulat ni Dessabel ang kaniyang mata at nabighani ito sa nilalang na nasa harap niya.
"Napakaganda." sabi ni Dessabe na nakatulala parin sa nilalang na nasa harap nito.
"Ako si Dora!" nakangiting sabi niya
"Ako naman si Dessabel." nakangiting sabi rin ni Dessabel at inilahad ang kamay nito upang makipag-shake hands. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Dora dahil Niyakap nito si Dessabel.
"Mag best friend tayo! " nakangiting parin si Dora habang sinasabi ito.
Hindi na nakasagot si Dessabel dahil sa gulat at saya na nararamdaman niya.
"Tara! hanapin na natin si jeptha Map. kailangan na kitang ipakilala sa kaniya!" hinila ni dora si Dessabel at tumungo sila sa lugar na hindi ko alam kung saan.
"Nasaan tayo?" tanong ni Dessabel kay Dora.
"Nandito parin tayo sa Never Island. Malawak ang islang ito higit pa sa iniisip o Dessabel." sagot ni Dora
"Hindi parin ba totoo ang mga bagay na nakikita ko rito?" tanong ulit ni Dessabel
"Pwidi piro dipindi. hihihi!!" nakakalokong sagot naman ni Dora
"Te-teka! bitawan mo ako!" sabi ni Dessabel
Nagulat naman si Dora sa kilos na ipinakita ni Dessabel. Napakunot noo nalang ito.
"Si Dora ka ba talaga? o isa ka rin sa mga nilalang na may balak linlangin ako para makulong dito!" galit na di maintindihang sabi ni Dessabel
Hindi umimik si Dora.
"Mawala ka na! Iwan mo na ako! Habang maaga pa, ayokong umasa! Ikaw na nilalang ka, hindi mo ako maloloko!" galit na sigaw ni Dessabel
Napatanga nalang si Dora. Hindi niya alam kung tatawa ba siya sa inaasta ni dessabel.
"best, ako nga si Dora. kailangan lang nating kunin yung bag pack ko.Kailangan natin yun dahil nandun yung ipapakilala ko sayo." mahinahon na sagot naman ni Dora
"Kung ikaw nga talaga si Dora patunayan mo!" sigaw si Dessabel
Binatukan ni Dora si Dessabel. Hindi isang beses kundi tatlong beses.
"Aray! ba't mo ko binatukan!?"
"Oh, nasa harap mo parin ako diba? Isa lang ibig sabihin nun, totoo ako at ako si Dora." sabi naman ni Dora na -_-
Napaisip si Dessabel at natauhan siya. Pagkukurap siya nagbabago lahat ng bagay na nasa paligid nila, at isa lang ibig sabihin nun amg mga bagay na iyon ay hindi totoo at ang nilalang na nasa harap nito lamang ang hindi nagbabago. kaya naniwala na ito at patuloy na silang naglakad upang kunin ang bag pack na sinasabi ni Dora.