Chapter One :

4.6K 62 2
                                    


' LaLaLaLa~~

" Jusme Sabrina Corazon Valdez! Manahimik ka na! Konting-konti na lang talaga lalabas na ang tutuli ko sa tenga dahil dyan sa boses mo! "

Napanguso ako dahil sa sinabi ni Inay. Grabe lang ha? Hindi ba siya proud dahil may anak siyang magaling kumanta? Tumingin ako kay Inay na ngayon ay naglilinis ng swimming pool. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis atsaka lumapit sa kaniya.

" Inay naman, masyado kayong nega! Panira kayo ng moment hmp! Isa pa, bakit naman pati tutuli niyo ay lalabas na? Sa ganda ng boses kong ito "

Umiling-iling naman si Inay at tumingala bago pinagsiklop ang dalawang palad at pumikit. Kumunot ang aking noo.

" Diyos ko, mahabaging poon! Alam kong napakaimposible ng aking hinihiling ngunit sana ay gumanda na ang boses ng aking anak. Para hindi na po siya mangarap ng----

At dahil sa sobra na ay pinutol ko na ang sasabihin ng aking Inay. Jusme! Para siyang sinasapian. Peace Inay :)v

" Inay! Kayo talaga! Kapag gumanda ang boses ko! Magigising na lang kayo na may anak na kayong singer "

Natawa naman si Inay sa sinabi ko na para bang may nakakatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman diba? --_--

Lumapit sakin si Inay at hinawakan ang pisngi ko. Nakatingin lamang siya ng deretso sakin atsaka ngumiti. Ngiting bumubuo sa araw ko kapag nakikita ko 'yun sa kaniyang labi. Ngiting ayoko ng mapalitan pang muli ng sakit.

" Alam mo Anak, wala namang masamang mangarap eh. Ang pangarap maaabot mo 'yan kung magsusumikap kang maabot 'yan. Para lang 'yang bituin na kahit anong taas pipilitin mong maabot, makamit mo lang ang pangarap mo "

Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Inay. Si Inay na mag-isang nag-aruga, nag-alaga at nag-palaki sakin. Bata pa lang kasi ako ay iniwan na kami ni Itay. Sumakabilang bahay. Oo! Iniwan niya kami dahil lang sa kabit niya. Iniwan niya kami dahil mas pinili niya ang kabit niya kesa samin. Galit ako sa kaniya pero hind ko pa rin maipagkakaila na sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa kaniya ay nangungulila pa rin ako sa kaniya. Hinahanap-hanap ko pa rin ang pagmamahal ng isang ama sa isang anak.

" Kaya nga po nagsusumikap akong mag-aral Inay, dahil pangarap ko po ang mairaos kayo sa hirap "

Nakita ko kung paano lumamlam ang mga mata ni Inay kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.Ano ba 'yan. Kanina lang nagbibiruan pa kami pero ngayon nagda-dramahan na.

" Ma-swerte talaga ako at ikaw ang naging anak ko. Nagpapasalamat ako sa diyos na napalaki kita ng maayos "

Wala akong naisagot at niyakap na lamang si Inay. Mas ma-swerte ako na siya ang naging Nanay ko.

" Hay, tama na nga 'to nay. Nagda-dramahan na tayo dito haha. Tama na ang iyak. Sige kayo, papanget kayo nyan "

Natawa naman si Inay sa tinuran ko atsaka kumalas sa pagkakayakap sakin.

" Naku, sakin okay lang kung pumanget ako. Dapat ikaw ang matakot na pumanget, kasi baka mas lalong hindi ka magustuhan ni Thunder "

" NAY! Baka ho may makarinig "

Nanlalaki ang matang saway ko kay Inay. Humagalpak naman ng tawa si Inay atsaka pinagpatuloy ang paglilinis ng swimming pool. Bumalik na din ako sa ginagawa kong pagdidilig ng halaman.

Habang nagdidilig ako ay napatingala ako at napatingin sa terrace ng kwarto ni Thunder.

Thunder Villafuerte...

Ang lalaking matagal ko ng palihim na minamahal. Ang lalaking matagal ko ng pinapangarap. Ang lalaking matagal ko ng hinihintay kung kailan ako mapapansin hindi bilang isang kaibigan o kapatid kun'di isang minamahal.Pero sino nga ba ang niloloko ko diba? Sarili ko lang din.

Villafuerte Series 1 : LOVE ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon