Chapter 7:

2.1K 57 6
                                    

Tulala lang ako sa loob ng sasakyan ko habang umaagos ang luha. Nandito pa rin ako sa Parking lot at hinihintay na makalabas si Thunder at Lorilee sa Restaurant. Napakagat ako ng labi ng matanaw ko na sila.

They are laughing to each other.

While Im looking Thunder with Lorilee. I found myself that I should stop myself for loving him.

Nagmumukha na akong tanga. Para na akong tangang sinusundan ng palihim 'yung taong masaya at may mahal ng iba. Umaasa ako kahit na wala naman siyang pinapakita sakin na dapat kong asahan.

Pinunasan ko ang luha ko. Nakakainis! Lagi na lang ba akong iiyak kapag nasasaktan? 'Di ba pwedeng kahit once in a blue moon hindi muna ako umiyak ng nasasaktan?

Agad kong in-start ang sasakyan ko. I need a wind. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang pipilitin ko muna ang sarili kong 'wag kang sundan Thunder kasama siya. Kahit ngayon lang, pipiliin ko muna ang magpahinga para makapag-isip ako ng maayos.

Habang papalayo ang sinasakyan ko sa Parking lot, napatingin ako sa side mirror ng kotse ko.

Mapait akong napangiti.

Ang sakit. Sobrang sakit makitang masaya siya kasama ang iba. Samantalang ako, umiiyak, nasasaktan dahil sobra akong nagseselos, naiinggit dahil kaibigan ko ang mahal niya at napansin niya.

Mas binilisan ko na lang ang takbo hanggang sa makarating ako sa paroroonan ko.

'Markian's Bar'

Kahit sandali lang, gusto ko munang mawala 'yung sakit na nararamdaman ko. Kahit ngayon lang, gusto ko munang takbuhan ang nararamdaman kong sakit.

Lumabas ako ng kotse ko na niregalo niya sakin nung 18th birthday ko. Napapikit ako ng humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin.

Habang papasok ako sa loob ay kakaibang kaba at excitement ang naramdaman ko. This is my first time.

First time pumunta ng bar. First time iinom para sandaling makalimot ng problema.

Ngumiti ako sa bouncer matapos kong ipakita ang ID ko. Halos mapangiwi ako ng makita ko na ang loob ng bar.

Madaming tao. Mausok. Maingay. Sari-saring amoy. May mga nagme-make out sa paligid at parang mga walang pakealam kung may makakita man sa kanila. May mga sumasayaw din sa dance floor.

I don't have a choice.

Umupo ako malapit sa may bartender.

Tatawagin ko na sana ang bartender ng bigla na itong humarap at nakangiting lumapit sakin. Mabuti naman at hindi ko na kailangang sumigaw.

" What's for you, Ma'am? "

Sandali muna akong tumingin sa Menu na nakadikit sa itaas ng wall. Halos atakihin ako sa puso ng makitang ang mamahal pala ng mga Wines na nandito. Napabuntong hininga na lang ako. Paano ba 'yan? Mababawasan ang allowance ko na galing sa magulang ni Thunder?

Ugh! Just for now. Papalitan ko na lang ang mababawas ko sa allowance ko.

" One shot of Champaign. Please? "

" Got it, Ma'am "

Napasandal na lang ako sa sink. Im sure madali akong malalasing kahit sa one shot lang. But I don't mind it.

Panandalian kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Nanay.

To : Mahal kong Nanay ❤

'Nay, Di po muna ako makakauwi. Nandito po kasi ako kay Lorilee. We have something to do. About sa Class Project namin. 'Wag po kayo mag-alala sakin. Im okay here. Goodnight 'nay. Pahinga po kayo ng maaga. I luv u 'Nay

Villafuerte Series 1 : LOVE ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon