Chapter 5:

2K 64 7
                                    

Nandito ako ngayon sa Mansion ng mga Villafuerte. Tumutulong kay Inay para na din hindi siya masyadong mapagod sa paglilinis sa mansion nila Thunder. Actually, hindi naman marumi. Kaya lang dahil masyadong malinis si Inay kahit na wala namang dumi gusto niya pa din linisin.

" Nay, ako na po ang tatapos nito. Magpahinga na lang po kayo "

Nakangiti kong sabi kay Inay. Namewang si Inay at tumingin sa pintuan ng kwarto ni Thunder. Nasa Second floor na kasi ang lilinisin at saktong tumapat pa sa kwarto ni Thunder kung saan ako nagpupunas.

" Sus, Anak. Alam ko 'yang galawan mo. Wag mong babalaking looban si Thunder ah? Naku! Makukulong ka talaga ng wala sa oras "

Napanganga ako. Maya-maya ay tumawa si Inay.

" Ano? Tama ako ng hinala no, anak? Diyosmiyo. Wag mong gagahasain si Thunder, anak. Maghunusdili ka! Alam kong patay na patay ka sa kaniya pero anak, wag mong idaan sa dahas "

Sinamaan ko ng tingin si Inay. Nagpeace sign lang naman siya at natatawang tumalikod. Hihimatayin talaga ako sa mga pinagsasasabi ni Inay. Nandoon na nga tayo sa dead na dead ako kay Thunder but never in my life na gagahasain ko siya para lang mahalin din niya ako.

Simangot na simangot ako habang nagma-mop ng sahig.

Inay kasi e!

" Hey! "

" AyThunder! "

Nanlaki ang mata ko at agad napatakip ng bibig. Dahan dahan akong humarap sa gumulat sakin. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako ng makita ko kung sino siya.

" T-thunder "

Ngising-ngisi ang kidlat habang nakatingin sakin. 'Yung kaba ko ay hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay isabay pa ng lakas ng tibok ng puso ko.

Gosh! Lagot na! Alam kong iba na iniisip ng kidlat na 'to!

" So, you're thinking me? Did'nt you?! "

Ilang beses akong napalunok. Ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko sa noo.

" H-hindi naman kita iniisip. Hindi naman talaga. Alam ko kasing ikaw 'yung gumulat sakin kaya nabanggit ko na pangalan mo. "

He crossed his arms then he looked at me. Nakasandal siya sa pintuan ng kwarto niya.

" Really huh? "

Tumango ako. Err! Alam kong masama ang magsinungaling no?! Pero 'di ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na siya ang nasa isip ko habang naglilinis ako.

" Oo nga. Wait? May kailangan ka na naman sakin no? "

Sumeryoso naman ang mukha niya at bumuntong-hininga. 'Yung mata niya parang malungkot na ewan. Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin.

" Yeah "

Mahina niyang sabi. Tumalikod ako sa kaniya at kunwari'y pinapatuloy ang pag-mop ng sahig. Pero ang totoo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi lumalapit lang siya kapag may kailangan siya sakin.

" A-ano 'yun? M-may ipabibigay ka ba ulit kay Lorilee? I-ilagay mo na lang sa makikita ko. Iaabot ko sa kaniya bukas "

Rinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga. Nabigla ako ng hinablot niya ako sa braso ng mahina. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya at paghingi ng tulong. Wait? Para saan?

" C-can you please help me? "

He pleaded. He bite his lower lips. Agad akong umiwas ng tingin. 'Yung labi niya kasi parang nang-aakit na halikan siya.

" Saan? "

Binitawan niya ang braso ko at ginagap ang dalawa kong kamay. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin doon. Mas dumoble sa lakas ng tibok ang puso ko.

What the freeze are you doing, Kidlat?!

" We have a date later. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin."

Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

" Marimar!! Lugar lang kung saan kayo pwede mag-date, hindi mo pa alam? Pwede naman sa street foods lang. Hindi naman---

" She said she wants a special date. That's why I need your help. Hindi ako makahanap ng lugar kung saan niya magugustuhan. Fuck this! "

Kagat ko ang labi ko. Okay. This is my fault. Sinabi ko kasi kay Lorilee na dapat sa Special na lugar siya makikipag-date. Mahina akong tumikhim.

" O-okay. Sorry. Hooh! Di ko naman kasi alam na sa Special na lugar pala siya nagpapadala haha! Ahm, siguro magpa-VIP room ka na lang sa isang restaurant tapos gawin mong romantic, like ng may kandila sa lamesa tapos may flowers petal sa buong paligid. Kumuha ka na din ng isa sa mga waitress na pwedeng tumugtog ng romantic song para sa inyo-Pero alam mo mas okay siguro kung mag-research ka na lang. Wala kasi akong alam sa ganiyang bagay. Like-hallow! Amagerl kaya! Haha"

Nakatitig lang siya sakin. Bahagya siyang natawa sa huli kong sinabi at umiling-iling.

" Alright. I'll research then."

Tumango ako then nag-okay sign sa kaniya. Tumalikod ulit ako at pinagpatuloy na ang pagpupunas. Akala ko ay nakaalis na siya pero nagulat ako ng yumakap siya sa likod ko. Nabitawan ko ang mop dahil sa pagkabigla.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng tenga ko. Ang pisngi ko ay umaapoy na sa sobrang pagkapula. Ang mga tuhod ko ay nanlalambot at kung hindi naka-guide ang dalawang braso niya sa may bandang tiyan ko ay baka bumagsak na ko.

Halos magtaasan ang balahibo ko lalo na ng bumulong siya sa tenga ko.



" Thank you so much. My Little Piglet "



Piglet. My Little Piglet.


Dug. Dug. Dug. ( heartsound )






____

Please comment some inspiration :) Thank you.

Miss_Author018

Villafuerte Series 1 : LOVE ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon