Chapter 6 :

2K 64 2
                                    

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin. Ngumiti ako ng pilit. Nakasuot ako ng tuxedo at may maskarang suot sa mukha. Nag-disguise akong lalaki para hindi mahalata ni Thunder at Lorilee na ako ang tutugtog ng Music background sa date nila. Mabuti na lang at tinanggap agad ako ng Manager ng restaurant kung saan magde-date si Thunder at Lorilee.

Alam kong nagmumukha akong tanga pero dahil sobra kong mahal si Thunder, wala na akong pakealam kung masaktan ako ng sobra basta makita ko lang kung paano siya ngumiti kay Lorilee. Gusto kong makita kung 'yung ngiti na bihira niya ipakita sakin at ang ngiti na binibigay niya kay Lorilee ay magkatulad ba. Gusto kong makita kung gaano siya kasaya kapag kasama si Lorilee.

Pumasok ako sa VIP room. Manghang-mangha ako ng makita ko kung gaano ka-romantic ang loob. Nagkalat ang mga flowers fetal sa sahig. Madilim sa loob at tangin kandila lang ang ilaw. Nasa loob ng malaking heart shape ang lamesa na may lamang romantic food at bloody mary wine. Flowers fetal din ang ginamit na pang-heart shape.

Napakagat-labi ako. Sobra akong naiinggit. Ganitong-ganito ang gusto ko. Ganito ka-romantic na date. Binigay sakin ng lalaking kasama ko ang violine. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Tumayo ako sa madilim na bahagi, kasama ang dalawang lalaki na kasama ko sa pagtugtog.

Nagsimulang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko ng bumukas ang pinto at niluwa nun si Thunder habang inaalalayan sa bewang si Lorilee. Nakasuot siya ng white Tuxedo habang Floral dress naman kay Lorilee.

Bagay na bagay sila. Napaka-perpekto nilang tignan. At nasasaktan ako sa nakikita ko. Parang dahan-dahang pinupunit ang puso ko dahil sa sakit. 'Yung ngiti sa labi ni Thunder, kakaiba. Sobra. Ibang-iba ang ngiti niya sa harap ni Lorilee. Ang kislap sa mga mata niya ay parang bituin. Napakasarap tignan. Napakasarap sanang tignan kung ako ang nasa posisyon ni Lorilee.

Nag-umpisa na kaming tumugtog. Halatang nagulat si Lorilee ng tanggalin ni Thunder ang nakatakip sa mata niya. Takip ang kaniyang bibig at hindi makapaniwalang nilibot ang paningin niya sa buong paligid.

" T-thunder "

Utal na tawag ni Lorilee sa pangalan ni Thunder. Ngumiti si Thunder.

" Surprise, My love "

My Love.

What a pretty endearment. Nakakainggit.

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko habang tinutugtog ang request song ni Lorilee kay Thunder kahapon habang kausap niya sa phone. Dinama ko na lamang ang musika. Musikang napakalungkot para sakin.

Pinaghila ni Thunder ng upuan si Lorilee at saka inalalayang umupo. Umikot naman siya at umupo sa harap ni Lorilee.

He's so sweet. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Lorilee. Mapait akong napangiti.

Wala na ba? Wala na ba talaga akong pag-asang mapapansin mo din ako? Wala na bang pag-asang magustuhan mo man lang ako?

" Ayos ka lang? "

Mahinang tanong sakin ng lalaking nasa tabi ko. They are know that im a girl. I smiled at him and nodded.

" O-oo naman "

Im okay. That truth is im happy for them. Im so happy for them even though it's damn hurt.

" Are you sure? You can excuse here if you're not okay. Don't worry, i'll tell to manager that you were sick, that's why"

Bumuntong hininga ako.

" Dont worry about me. Im okay "

Tumango na lang siya at hindi na nagsalita pa. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sa totoo lang, ayokong may ibang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko. Kahit na nasasaktan ako, mas pinipili kong kimkimin na lang.

Nakatingin lang ako sa dalawang taong masayang nag-uusap na tangin kandila lang ang nagsisilbing ilaw sa kanilang dalawa. Habang ako, eto sa madilim na bahagi. Lumuluha habang nanonood sa kanilang dalawa. Nanonood kung paano sila masaya sa isa't-isa.

" I really love it when you're smiling because of me. You're making this much harder for me "

He said with Lorilee. Namula ang pisngi ni Lorilee at umiwas ng tingin. Halatang kinikilig siya sa sinasabi sa kaniya ni Thunder.

" Gosh. I-i don't know what to say..."

Tanging nasabi na lamang ni Lorilee. Maliit na ngiti ang lumabas sa labi ko. Kahit na kaharap niya si Thunder hindi niya pa rin kaya na pigilan ang kilig niya.

Umiwas ako ng tingin ng makita ko ang pagtawa ni Thunder.

" Didn't I tell you, that you are beautiful?

Lalong namula si Lorilee. Ngumuso siya at nakita ko kung paano nagpapadyak ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

" I know that Im beautiful. You're always saying that to me kaya. Wala na bang bago? "

Kunwari'y pag-iinarte ni Lorilee. Ngumisi si Thunder at hinawakan ang kamay ni Lorilee na nasa ibabaw ng lamesa. Sumeryoso ang mukha ni Thunder at tumitig sa mga mata ni Lorilee. Para bang sa mga tingin niya ay si Lorilee lang ang nakikita niya.

" Didn't I tell you that I love you so much? "

Gusto kong tumawa sa sobrang sakit. Nakakatawa lang. Ano ba kasing nangyari sakin at kung saan pumunta si Thunder at Lorilee ay sinusundan ko pa rin sila kahit na alam kong nasasaktan na ako.

Pareho kaming nagulat ni Lorilee ng tumayo si Thunder at lumuhod sa gilid niya. May kinuha siya sa kaniyang bulsa na kulay blue box. Binuksan ni Thunder 'yun at niluwa nun ang isang silver9 necklace na may pendant na heart 9shape na may nakaukit na pangalan ni Lorilee.

" Lorilee. I love you so much and I wanted you to be officially mine... Lorilee... Can you be my girlfriend? "

And with that, parang unti-unting gumuho ang pag-asa ko. Pag-asang maaaring magkagusto at mahalin din nya ako. Pag-asang balang araw makikita niya rin ako. Mahina akong napahikbi. Sa side view ko ay alam kong nakatingin sakin ang lalaking nagtanong sakin kung okay lang ako.

Halatang hindi 'yun inaasahan ni Lorilee. Ilang minuto bago siya naka-recover sa pagkabigla. May umalpas na butil ng luha sa mata niya at masayang tumango tango kay Thunder.

" Y-yes. Thunder. I can be your girlfriend,"

Sumigaw sa sobrang tuwa si Thunder. Malaki ang hakbang na lumapit siya sa direksyon namin at halos hindi ako makahinga ng ako ang yakapin niya. Mabilis lang 'yon pero pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko.

" Fuck, Im sorry. Im just happy. Oh god! I can't believe that she agreed to my proposal as her boyfriend! Damn. Lorilee!! I love you fucking so much!! "

Then humingi ulit siya ng sorry sakin at lumapit ulit kay Lorilee. Niyakap niya ito ng sobrang higpit at halos maitaas niya ito sa sobrang tuwa. Sobrang saya niya. Kakaibang saya ang nakikita ko sa mga mata niya.

" Fuck. I can't tell you how i'm happy so much, Lorilee. Finally! You are officially mine, My love "

" Im happy too, Thunder. So much "

Mapait akong napangit habang pinapanood sila kung gaano sila kasaya sa isa't isa. While looking at them. I already knew to myself that in this story. I am the real villain.


___

Miss_AuthorPrincessDonalyn018

Villafuerte Series 1 : LOVE ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon