CHAPTER 40.2

17 0 0
                                    

Lee's POV

Nakakainis naman bakit ba kasi nandito yung Steph na yun ? Nasaktan tuloy si MCDO ko. Buti na lang walang sugat kundi baka napatay ko na siya.

Malapit ng magtakip silim kailangan na naming makapunta dun. Ang ganda kasi ng view dun pag sunset. Siguro alam niyo na kung san ko siya dadalhin. Alam ko naman na common na yun pero nagagandahan kasi talaga ako sa lugar na yun. Para sakin yung taong dapat dalhin mo dun ay yung mga taong mahalaga sayo.

" malapit na ba tayo ?" - siya

" Oo malapit na . Kailangan na nating mapuntahan yun. " - ako

" Bakit ? Di na ba maganda yun pag gabi ? " - siya

" Basta. Bilisan natin. " - ako

After ng mabilisang lakad nakadating din kami. Tama kayo sa seaside ng MOA ko siya dadalhin. 5pm pa lang 5:30 ang sunset ngayon. May 30mins pa buti na lang.

" dito ?? " - siya

" Oo , ayaw mo ba ? " - ako

" Nope. Ang ganda nga dito e. Mayroon tayong peace of mind. Ang maririnig lang natin ay ang hampas ng tubig at ang hangin. Refreshing. " -siya

Kinabahan ako. Akala ko fail na naman. Akala ko hindi niya nagustuhan. Buti na lang.

Dito ko siya dinala kasi dito ko sasabihin lahat ng nilalaman ng puso ko. I know it sounds corny pero gusto ko kasi malaman niya kung ganu ko siya kamahal.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa skul namin at nakakatuwa naman na kahit pasaway siya ayaw niya magkaron ng mababang grades. Ako kasi basta makapasa Okay na e.

2 minutes to go. Nakatingin na ako sa langit. Si MCDO ko nakatingin na din. Maya maya ay nakita na namin yung sunset. Ang ganda talaga. The one that money can't buy.

" ang ganda. :) Nakakawala ng problema. " - siya

" Mcdo I want to tell you something. " -ako

Nakatingin pa din ako sa langit at siya nakatingin sakin. Puzzled face siya. Maybe she is thinking something bad. Pero she's wrong.

" Anu yun ?? " - siya

" i know naman na Syke already did this for you ang pumunta dito sa MOA at dito sa seaside. " - ako

" Yup. Pero di namin napanuod yung sunset. Bakit nga pala ? " - Siya

" Gusto ko lang malaman mo na how much I love you.  Kahit ganyan ugali mo I still accept you. You accept my flaws, you accept me in my worst. You never fail to make my heart beats faster. You understand me everytime may babaeng gustong manggulo satin. Im really happy na ikaw yung babaeng minamahal ko ngayon. Sana you will hold me until the end. No secrets at all. I know i became your Bestfriend but we become lovers. I know your past and you know mine. Ayoko mangyari satin yung nangyari dati sa mga ex natin. Because Lubelle I want you to be my wife. " - Ako

Nasabi ko din sa wakas. Tumingin ako sakanya at ngumiti. Siya naman nakatingin sa langit at nakangiti din. I think she hear everything I said.

" Nagpropropose ka ba sakin ? " - Siya

Tumingin siya sakin at ngumiti. Ako naman ngumiti din.

" I think so pero wala akong singsing na dala. Wala akong pera pambili nun. " - Ako

She cupped my face and smile at me. Nakakainlove lalo yung ginagawa niya. Showy siya ako hindi. Pero hindi siya nagrereklamo.

" Bata pa tayo Lee. You know my history diba? I loved my exes before pero ngayon ikaw na yung mahal na mahal ko. Kahit na walang singsing lahat ng sinabi mo nandito sa puso ko. Nakapadlock. Everything you said is like a song for me. Ikaw lang gumawa sakin ng ganto. Masaya ako because I think that it is really you. The one that Ive waited for so long. Marami akong heartbreaks na naranasan and  failures pero your still there for me listening. I never thought na yung Bestfriend ko dati sa Clan ay magiging Boyfriend ko baka nga maging asawa ko pa. Kaya Lee what ever happen dont forget that I love you. " - Siya

After that she smile and kiss me on my lips. Hindi naman masyadong matagal pero sapat lang para maramdaman ko na mahal niya ako at oo ang sagot niya.

Masaya ako that she feels the same way too. Mahal na mahal ko din siya at di ko alam ang mangyayari kapag nawala siya sa tabi ko.

" Sayang walang camera CP natin. Meron nga liit naman. Haha. Pero okay lang. Let's treasure this in our hearts. Right MCDO ? " - siya

" Oo naman hinding hindi ko to makakalimutan. " - Ako

Ngumiti siya muli sa akin at tumingin ulit sa langit.  Pinicturan ko siya kahit maliit lang yung picture niya maganda pa din siya ang ganda tignan na habang nakatingin siya sa langit at hinahangin yung buhok niya. Para siyang anghel na bumaba galing langit. Thank you po Lord for this wonderful blessing.

Someone's POV

Tss... Maghihiwalay din kayo. At si Lee ay mapupunta sakin. Hindi niyo pa ako nakikilala pero once na nakilala niyo ako. Ako na ang simula ng pagkasira ng buhay niyo.

I know two of you has its own secret. Kapag nalaman ko yun tapos ang relasyon niyo. Goodbye sa MCDO LOVERS.

5years na akong naghihintay na mapansin ni Lee pero napunta yung atensyon niya sa Baboy na si Lubelle ?? Mas maganda naman ako at sexy sakanya.  Im sure na kapag nakilala ako ni Lee. Goodbye  Lubelle na.   Hahaha.

Why I waste my time planning to ruin their relationship ? because Lee is only mine. Matagal na siyang sakin. Kung kailangan kong gamitan ng dahas mapunta lang sakin si Lee gagawin ko. I love him that much. Hindi ako nakukuntento sa pagstalk lang dapat mapasaakin siya at yung Lubelle na yun. Maiiwang luhaan. Hahahaha

AUTHOR'S NOTE

3 CHapters na sunod sunod ang iaupdate ko ngayon. Kailangan kong humabol sa oras bago ako magahol. Aabutin pa ng next week yung 1st story ko pero Im really sure na matatapos ko na to. Sana nagustuhan niyo. Happy Reading ! Vote and comment. :D

The Story of My LIFE( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon