CONFESSION
~*~Axes
Kung ipapailaborate sakin ang pinakanakakahiyang pagkakataon g buhay ko eto na siguro ang top 1.
"sabi ni mommy, mga nagmamahalan lang daw yung nagkikiss sa lips, nagamamahalan po ba kayo"
muntik na akong mabulunan dahil sa tanong ni Sofie
simula ng makita niya kami ni Meg na muntik ng maghalikan ay panay na ang kwento nito tungkol sa pagmamahalan.
"Uhm.. di naman kami magkikiss ni kuya Axes, k-kasi... kasi friends lang kami tinulungan niya lang ako kasi napuwing ako... tama oo napuwing ako"
"ahh okay po"
tumayo na ito at nilagaay ang pinagkainan sa lababo at dumeretso sa sala para manood ng T.V
"M-mukhang gumagabi na, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?"
"Oo nga, Hindi ko pa din natawagan si Mommy,"
tumango lang ito at nilagay na din pinagkainan sa sink.
Dahil sa nangyari kanina prang naging distant na sakin ni Meg, sino ba namang hindi matetempt eh ang ganda nung lips niya.
Umiling ako at nilagay na din yung plato ko sa sink, huhugasan ko na sana nang pinigilan ako ni ni Meg
"ako na nyan, tsaka ihahatid ko na si Sofie, sumama ka na lang para mahatid na din kita sa labasan"
'pwede bang humiling na makasama ka ngayong gabi?'
I want to you more Meg,why do you live alone, and why do I feel this way towards you?
I have so many questions pero pinili ko na lang na kunin ang bag ko at sumunod sa kanila,
Baka hindi ngayon ang tamang oras.
Nang makalabas kami kay Meg ay tinanong ko siya tungkol kay Sofie,
"Bakit parang walang kasama si Sofie sa bahay nila"
"Yung mama niya kasi ay isang Professor sa isang University, tsaka minsan lang naman siya nakakauwi ng late, dahil sa traffic"
tumango ako at pasimple siyang inakbayan habang hawak naman niya sa kamay Sofie
"Mana ako kay mommy, She's intelligent and beautiful, tsaka Strong rin siya kasi kahit wala si Daddy, kinakaya niya lahat" nabaling yung atensiyon ko kay sofie na biglang nagsalita
"bakit san ba yung daddy mo?" tanong ko ulit pero siniko ako ni Meg
"ewan, sabi ni mommy nasa work daw pero di ko pa siya nakikita eversince, tsaka sabi ko diba smart ako kaya ala kong nagsisinungaling si mommy, alam kong wala naman akong daddy, sinasabi niya lang yun para hindi ako malungkot"
naguilty naman ako biglang, nagkatinginan naman kami ni Meg hindi namin alam kung ano ang maaring sabihin para mapagaan ang loob ni Sofie.
Mayamaya pa pagkatapos ng mahabbang katahimikan sa pagitan naming tatlo ay may namataan kaming sasakyan.
"Si mommy"
tumakbo si Sofie papunta sa sasakyan huminto naman ito at lumabas ang isang napakagandang babae. Sa unang tingin masasabi mong suplada ito. pero kalaunay ngumiti din ito ng makita si Sofie na tumatakbo papunta sa kanya.
lumapit kami sa kanila
"mommy, dun ako kumain kina ate Meg,"
"nagpathank you ka ba kay ate meg?"
"Thank you ate Meg"
pumasok na si Sofie sa bahay at naiwan nalang kaming tatlo
"Thank you meg sa pagbantay kay sofie, kakaalis lang kasi nung yaya niya, as usual di naa naman tumagal, pero mukhang may bisita ka yata, anong pangalan mo?"
"Axes po" mabilis na sagot ko at nakipagkamay sa kanya
"okay lang po ate, hindi naman po yan makulit eh, tsaka okay na rin po yun para may kausap ako sa bahay"
ngumiti naman ito kay Meg at bumaling sakin
"pasok muna kayo,"
"ah hindi na ate, ihahatid ko pa kasi tong kaibigan ko sa labasan"
"kaibigan? baka naman kaIbigan?" at tumawa ito habang papasok sa bahay
umiling naman si Meg at nauna ng lumakad. pero dahil mas mahaba ang mga binti ko sa kanya ay ilang steps lang ay naabutan ko agad sya
"Hindi mo naman ako hinintay"
sabi ko pero di niya ako pinansin"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya pero di niya ulit ako pinansin at tinuon ang atensyon sa paglalakad
"Meg, kausapin mo namn ako oh, alam kong, naiilang ka dahil sa nangyare, kaya sorry, I'm sorry hindi ko sinasadya"
napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, kaya nakahinga na ako ng maluwag
"Sorry?, hindi mo sinasadya? bakit nadala ka lang? oo nga no? bakit ko pa ba tinanong. And in the first place bakit mo ba ako hahalikan? hindi naman ako si Aly, hindi naman ako ang babaeng gusto mo, dahil para sayo ako si Meg and babaeng andyan kapag wala si Aly, ako yung option kumbaga reserba? bakit ba ako nagassume? Eh alam ko naman na props mo lang ako para pagselosin si Aly, ayan na oh selos na selos na siya. Baka nga eto na ang huling pagkikita natin eh, kasi iiwan mo na ako dahil nay chance na maging kayo?"
w-what? pano niya naiisip aang mga ganitong bagay, eh di nga to pumasok sa isip ko eh.
"What are you saying, kailanman di ko inisip na gamitin ka para pagselosin si Aly, oo i loved my bestfriend, but--... but--"
"But what?"
"But I think I'm falling for you Meg, and I'm still confused of my feelings, hindi ko alam kung aamin ako sayo, dahil ayokong isipin mong ginagamit kita para makalimutan si Aly"
pilit kong inaabot ang mga kamay niya pero iniwas niya iyon at lumayo sakin habang umiiling."I dont know Axes, alam mong ayaw ko ng masaktan, na takot na akong masaktan, all my Life all I felt was pain, and ayaw ko nag magrisk ulit, buong buhay ko I'm risking my heart for the person who doesnt even care to look at me, kaya please lang wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko"
Yumuko siya at nagsimula nang maglakad, papalayo sakin.
And It hit me, all my life I've been chasing the wrong person. Buong buhay ko nakatuon lahat ng atensiyon ko sa pag abot kay Aly at hindi ko napansin na andito pala si Meg, hinahabol din ang taong hindi niya magawang abutin,
Kaya pala inilalayo kami ng tadhana sa mga taong pilit naming inaabot dahil gusto nitong ibaling namin ang aming atensiyon sa ibang tao, na kayang punan ang hinahanap namin.
At ang taong iyon ay si Meg.
Kaya naman hinabol ko si Meg,
Inabot ko ang mga braso niya pinaharap sakin"Fall for me, let yourself fall for me Meg, I promise I wont let you feel any pain, i wont hurt you. I promise you, I will catch you. No matter what happens"
Niyakap ko siya and at that moment I feel that something, and that something is Love
Yes, fell for this girl.

BINABASA MO ANG
Seeker's Keeper
Teen FictionAxes Montereal, a boy Next door, He is a Certified heartthrob, Girls are dying just to be noticed by him, Intelligent, Sporty, Sexy and a total Snob well what can we do, he is good looking. But above all these, he is a one-sided lover. why? because...