START
~*~

Axes,

I cant stop myself from smiling,
Kagagaling ko lang kina Meg and after ng biglaan kong confession ay hinatid ko ulit siya sa bahay niya.

Kahit tango lang ang nakuha kong sagot ay masaya na ako, I know nabigla siya, pati rin naman ako but who cares It came out well--- better perhaps.

"what's with the Happy face baby?" tanong ni mommy ng makaupo ako sa
sofa katabi niya.

"Baka nakadrugs yan Mmy, simula ng umuwi yan kanina eh panay na yung ngiti at tawa" sabat naman ni kuya  na nasa tabi ni mommy

"lam mo kuya ang epal mo, simula ng dumating ka galing states wala kang ginawa kundi bwisitin ako" at hinampas ko siya ng unan

Last week lang dumating si Kuya from Australia, After he graduated nagdecide syang tulungan si Dad sa pagmanage ng hospital namin. Kaya gusto din ni dad na ipursue ko ang Medicine.

"mommy si Axes oh" sumbong nito at tinuro turo pa ako

"tumigil nga kayo, nanunood ako, bakit ba kasi ang saya mo baby?"

"kasi mommy, mukhang gusto na din ako ng babaeng gusto ko"

"Asa ka pa, teka si aly ba yung tinutukoy mo?" tanong ni kuya pero di ko siya pinansin

"Remember mmy, yung dapat na dadalhin ko ngayong dinner, siya yun mmy si Megan"

"talaga baby, i want to meet her, dalhin mo siya dito sa bahay, magluluto ako. Ano ba favorite niya? Oh my gosh ang baby ko binata na" tili nito at niyakap ako

"akala ko ba si Aly?" tanong na naman ni Kuya

"Ano ka ba Alas, si Meg nga, tsaka okay na din yun na iba na yung gusto ni Axes atleast hindi na siya masasaktan kapag may bago na naman si Aly"

"pero akala ko talaga si Aly, kasi wala ka namang bukang bibig kundi, Aly, Aly, Aly"

"ako rin baby, akala ko si Aly eh"

'I thought so too' ngumiti ako sa kanila  at tinuon na ang atensyon ko sa pinapanood namin

~•~


"miss, gusto yung pagkabalot mo ay close to perfection. Yung pagkakita niya palang ay mapapangiti na siya at mabubuo na yung araw niya"

ngumiti naman ang may ari ng flowershop at nagsimula nang iarrange ang mga roses na binili ko.

Mabuti nalang at dinala ko ang sasakyan ni kuya, kaya hindi hassle kung magcocommute ako

"para po ba ito sa Girlfriend nyo sir?"

teka, girlfriend ko na ba si Meg, Umuoo naman sya eh. Pero, baka akala nya tinatanong ko sya kung pwede ko syang ligawan, kaya umoo siya,

"Oo sa girlfriend ko yan miss"

"kaya pala Sir, siguro mahal na mahal niyo yung girlfriend niyo sir no?"

napangiti naman ako
"Oo"

Nang matapos ang pag arrange ng roses ay dumiretso agad ako sa Bahay ni Meg.

nag doorbell muna at ilang saglit pa ay lumabas na sya.

As usual naka complete uniform siya pero parang nay bago sa kanya, parang naging mas maganda siya sa paningin ko.

Seeker's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon