Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral. Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa "ayuntamiento". Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas. Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang "cancan". Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/141025256-288-k12f131.jpg)