Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila
Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang "Les Cloches de Corneville". Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya't pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa "entrada general" ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo na wari'y buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong "hongo de arte". Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang "ang hudyat ay isang putok" ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya't hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.
![](https://img.wattpad.com/cover/141025256-288-k12f131.jpg)