Kabanata 34
Ang KasalHinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani.
Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay.
Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo. Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari sa Europa.
Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/141025256-288-k12f131.jpg)