Kabanata 33

1.5K 5 0
                                    

  Kabanata 33
Ang Huling KatwiranNaging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio.
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.  

El Fili Buod Kabanata 1-39Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon