Kabanata 32

1.5K 3 0
                                    

  Kabanata 32
Mga Bunga ng PaskinPinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati.
Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli.
Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao.
Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan namumuhay.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.  

El Fili Buod Kabanata 1-39Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon