The Beginning and The End

178 21 7
                                    

Jannice POV

I was holding a silver hair, when the moonlight gaze his silver hair it so charming. His smile is so pure and innocent, the man that I loved and that I owe so much. This man is my beloved and I can't lose him but.......

"Please don't leave me ! Please dont die!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak at nakikita ko siya unting unti naglalaho sa harapan ko.

"I always love you, Forever and ever!" sabi niya sakin habang naglalaho sa tabi ko.

* Alarm sounds *

"Ah~h!! Malalate nako sa school. Naku po!!" sabi ko sa sarili ko habang nagmamadaling bumangon sa higaan.

Ako si Jannice Santiago, isang simpleng babae, at isa rin grade 10 junior highschool ngayon taon.

"Mama! Aalis na po ako." sabi ko sa Nanay ko habang nagmamadaling magsuot ng sapatos.

"Ohh! Magalmusal ka muna!" alalang sabi ng Nanay ko.

"Sa school na po ako kakain!" sabi ko naman sa kanya.

"Sige po Mama aalis na po ako!"

"Sige ingat ka sa pagtawid!!" sabi niya sakin

"Opo~!" sabi ko naman. Agad agad akong tumawag ng tricycle samin. "Manong sa Montessori Highschool nga po!" at umalis na kami.

Habang nasa biyahe ako inaalala ko yun panaginip ko, ewan ko ba parang totoo yun nangyari sakin pero ang gwapo talaga ng lalaking kasama ko sa panaginip ko. Di naman nagpapantasya porket na wala akong boyfriend eh!malandi na ko pero di ko alam kung bakit ba naiyak ako kanina dahil ba sa kanya o naluha ako kasi namatay ang Lola ko itong nakaraan na buwan?!

Nasa harapan na ako ng school gate namin nang may ------

"Aray ko!!" reklamo ko sa kanya.

"Hehehe!! Long time no see Jannice~?!" tukso sabi niya sakin.

Siya si Mich Montemayor siya ang childhood friend ko at since elementary magkaklase na kami at hanggan ngayon.

"Ilan buwan lang tayo hindi nagkita ehh!!" asar na asar na sabi ko sa kanya. Siya kasi yung uri nang taong clingy, buti nga babae siya kundi hindi nako mapapagkakalaman nang babaero ito sa sobrang clingy niya sa mga babaeng classmate niya at kaibigan.

"Nag-aaway na naman kayo ah?!"

"Uy~y Kamusta kayo?!!"

Sila ang magkambal na sina Yumina Steff at si Erica Joy Del Monte.

"Hello~w Yumina!!" at biglang yakap ni Mich kay Yumina.

"Ayos lang kami! Erica." binati ko din si Erica

"Tara pasok na tayo ? Mukhang nagstastart na yun Welcome Ceremony eh!?" anyaya ko sa kanila

"Oo nga tara!!"

"Yay!!"

"Sige!!" sabi ng tatlo sa anyaya ko at sabay sabay na kaming pumasok sa school kahit magkakaiba ang section namin.

Zeus POV

"Ano ka ba Zeus!? Umayos ka sa ugali mo?" galit na galit na boses ng mga matataas na mga Archangel sakin.

"Opo!!" tugon ko naman sa kanila.

Nakakaasar naman lagi nalang ako napapatawag sa Konseho. Lagi nalang ako may maling nagagawa. Masama bang maglibang porket isa akong Anghel ay lagi nalang akong susunod sa kanila. Sana naging tao nalang ako di naging anghel, ayoko ko na talaga.

My Boyfriend is an Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon