Bible verse
Hebrew 12:6
For whomever the Lord loves, he chastises. And every son whom he accepts, he scourgesZeus POV
"Zeus Eclif!" sabi ng mga boses.Pinatawag ako sa Konseho ng mga Arkanghel. Ang Konseho ay binubuo ng labing dalawang Apostles at apat na Arkanghel na sina; Raphael, Michael, Gabriel at Uriel. Sila ang mga tinalaga ng Panginoon para mamuno sa mga mamayanan ng langit at manatili ang kapayapaan. Ginawa ang Konseho sa kadahilanan para maiwasan ang kaguluhan at pagrerebelde ng mga anghel kagaya noon ng nangyari kay Lucifer na ngayon ay tinatawag na Satanas.
"Ako si Zeus Eclif, pinapatawag ninyo po ako!" sabi ko sa isang malaking gintong pinto.
"Tumuloy ka!!" tugon nila.
Kekkkk ekkk
Bumukas ang pinto, pumasok na ako sa loob at naglakad patungo kung saan nagmumula ang mga boses. Habang ako'y naglalakad patungo doon ako ay inescort ako ng mga bantay sa loob ng Konseho upang ihatid ako sa isang pang kwarto sa loob ng Konseho."Narito na ang nagkasala na si Zeus Eclif!!" sabi ng isang bantay.
Ngayon ay kaharap ko ang mga Apostles at mga Arkanghel. Pinatawag nila ako dahil sa paglabag ko sa kautusan namin mga anghel para manatili ang paggalang at ang amin pagkabanal bilang isang anghel.
"Isalaysay mo ang mga pangyayari?!" utos sakin ni Apostol Pablo.
Isinalaysay ko ang lahat ng nangyari sakin sa lupa at ipinaliwanag ko kung bakit mali ang akin nagawa.
"Umayos ka Zeus sa iyong pananalita!" galit na boses ni Raphael.
Sila ay nagdedebate kung ano ang akin magiging parusa. Iniisip ko sakin sarili na sana ako'y naging tao na lamang at hindi anghel, dahil ang mga tao ay may kalayaan at kami ay wala gusto ko din magmahal at mamuhay ng bilang tao ngunit hindi mangyayari ngayon dahil----
"Ikaw Zeus Eclif ay hahatulan ayon sa iyong kasalanan! Ikaw ay tatanggalan ng karapatan bilang anghel at maninirahan bilang tao. Ikaw ay muling makakabalik sa pagiging anghel kung babaguhin mo ang iyon pag uugali at susunod sa Dios ng tapat at totoo!!" sabi nila sakin.
"............"
Di ako makapaniwala sa sinabi nila. Ako magiging tao at maninirahan kasama sila, di ko matago ang sayang nararamdaman ko dahil ang imposibleng kung pangarap ay nagkatotoo.
"Sana'y kaawaan ka ng Dios sa iyong paglalakbay sa mundo ng mga tao!!"
"Matutunan mo sana ang mga dapat mong matutunan!!"
At pagtapos niyon ay dumating ang....
"Dumating ang Kataas taasan Panginoon!!!, magbigay galang!"
"Purihin ang Panginoon Dios!!"
"Purihin siya magpakailaman!!!"
Nabalot ng liwanag ang lahat dahil sa kaluwalhatian ng Dios. Hindi karaniwan na nagpupunta ang Dios sa Konseho kung hindi ito mahalaga. Ang akin pagtataka ano ang mahalaga sakin sa pagbaba ko sa mundo ng mga tao.
"Ikaw Zeus Eclif, akin anak sinusuway kita dahil mahal kita at lahat ng mga anak ko ay akin pinarurusahan pag sila ay nagkakasala sakin!" isang malumanay na boses ng isang ama ang akin narinig.
"May ibibigay akong misyon sa iyo, pag ito ay napagtagumpayan mo ikaw ay makakabalik sa pagiging Anghel at makakapiling muli ako!" dagdag niya.
Ipinakita niya sakin ang isang larawan ng tao at pagtapos niyon ay nawala na siya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is an Angel?
FantasiIn world there many mysterious that still unknown to us. Gods, heroes, devils and ancestor. But the one out of bounds of common is to love a unknown, a Angel?, or not maybe. So let's unravel all of the mystery of Love. Kiss...Kiss...Fall in Love!!!