First crush never die
—Ang sabi nila ang pagmamahal ang pinaka makapangyarihan sa lahat.
Ginawa ng diyos ang mga tao para magmahalan.
Pero bakit ganon?
Bakit kahit ng crush ko hindi man lang ako pansin.
Kahit ngitian ng saglit di nya magawa.
Kahit nagpapapansin na ako dedma lang sa kanya,parang hindi nya ko nakikita. Akala ko ba magmahalan, mahal ko sya ah dapat mahal nya din ako.Kimiii lang:)
Ako si Glacier Hellenes scholar ng school. 19 years old. Nasa edad na pwede ng makulong at mag-asawa ng Hapon. Charott!
Masipag naman ako mag aral.
Ang family ko full support sakin.
Matulungin at isang mabait na studyante. Hilig ko ang magbasa kaya sa tuwing pumapasok ako lagi akong may dalang mga aklat at tsaka naka salamin din ako. Hindi naman ako nerd yung salamin ko kasi katamtaman lang ang laki.Marami akong kaibigan wala akong pinipili basta mabait at mapagkakatiwalaan kahit bakla pa yan,tomboy,babae o lalaki kaibigan ko. Hindi ako nagi-stick sa one circle of friends. Madali akong pakisamahan at makisama, I guess.
Ganyan kasi ako pinalaki ng magulang ko.
"Glay—
Naglalakad ako dito sa school ng tawagin ako ni Sarah. One of my best friend.
"Oh bakit anong kailangan mo?"
"Totoo ba na may long quiz tayo ngayon kay sir Manuel?"
"Oo bakit?"
"Patay ako!"
"Hindi ka nakapag review noh?"
"Tumpak ka dyan bess"
"Eh kasi naman facebook ka ng facebook,yan tuloy napapabayaan mo ang pag-aaral mo!"
"Wow sorry naman miss genius,kasi nga hindi ko naman alam——
Naputol ang pagsasalita ni sarah ng may magsigawan. Kaya naman napatingin kami sa kanila.
"Ahhhh——
"MG here's the crushes!"
"Shh wag ka nga maingay,baka may makarinig sayo"
Yup!!
Ang pinag iingayan dito ng mga babae ay ang campus crush na si Liam Alfonso Mayaman sya at gwapo,matipuno ang katawan,maporma sya,kaso medyo may kayabangan.Kasama nya ang mga kaibigan nya. Hindi ko sya crush ha!Hindi sya.....dahil ang sinasabi kong crush ko ay ang kaibigan nyang si Khyb.
Khyber Nevada cute,cool,gwapo,matalino,masipag din mag-aral at mabait.Hindi katulad ng campus friend nya. Ibang iba talaga sya sa mga kaibigan nya.
Elementary pa lang ako crush ko na si khyber.Cute kasi talaga nya.Tapos ang cool pa. Lagi ko syang pinagpapantasyahan.Walang ibang picture ng lalaki sa kwarto ko kundi sya lang.Nung nag consort sya dati nung elementary kami sa Valentine day.Iniimagine ko na sana ako na lang yung partner nya.
Gustong-gusto ko talaga sya kahit ngayong Grade 12 senior highschool na ako.Crush na Crush ko pa rin sya.Mahal na nga siguro to!
Papalapit na sila sa may amin.Kasi naman nasa may harap ng hagdan kami kung san sila dadaan.Tumingin ako sa kanya.Tumingin din sya pero seryoso lang. Hindi nya alam ang feelings ko sa kanya. Hindi naman kasi maingay ang best friend ko at tanging sya lang din ang nakakaalam na gusto ko si Khyb.
![](https://img.wattpad.com/cover/141121358-288-k440270.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly Inlove☑
RomanceAng Ultimate crush mo! Hindi ka pinapansin,kahit nagpapapansin kana,dinidedma ka lang lagi.Isang araw nagkagusto sayo ang kaibigan nya..ang matalik nyang kaibigan,Napapalapit kana sa crush mo!Sasabihin mo pa ba..Eh pano ang friend nya alam mong masa...