❤SI:KABANATA 12

1 0 0
                                    

Busted

Nakatulala akong pumasok sa gate.
Nakatitig ako sa mga estudyanteng naglalakad kung saan man sila pupunta.

Hindi parin maalis sa utak ko ang mga sinabi ni Liam.
At dahil sa mga sinabi nya.....nabuo sa isip ko na.
Siguro ang dapat at ang matino kong magagawa ay ang Iwasan sila pareho.

Ayokong makasakit.Ayokong may masaktan ng dahil sa akin.Ayokong ako ang dahilan ng posible nilang pagkakagalit.Hindi ko yun kaya....kaya mas mabuti pa na ako na ang umiwas.
Ako na ang lalayo....dahil hindi ko rin alam kung saan na ako lulugar.

Mas mabuti pa ang noon.Ang noon na wala akong iniisip kundi ang kakainin namin ni Sarah sa Canteen.
Ang long quiz, mga projects at Assignments namin.
Ang tahimik naming paggala sa buong campus.....

Bakit bigla nalang nagulo ang masaya kong buhay?

"Glay"

Bumungad sa akin ang kaibigan ko pagpasok ko sa room.
Pero ang hinanap agad ng mga mata ko ay si Liam.

Wala pa sya.

Si Khyber naman ay nakaupo na sa upuan nya at naka earphone.

Hindi parin nya ako pinapansin.

Tama naman.Dahil magmula sa araw na ito.

Iiwasan ko na sila pareho.Naiipit ako sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni Sarah.
"Ano yan?"tanong ko sa kanila.May mga ginagawa sila kasama ang iba pa naming mga classmates na babae.

"Pompoms,mag che-cheer kami sa mga players ng ating school"

Oo nga pala.
Ngayon na ang game.Maglalaban ang team nila Jeric at team nila Liam.Pero paano yun.
Dumating kaya ang taong yun?Baka maipasa nanaman kay Khyb ang lahat.

At tsaka isa pa.
Bukas na ang Searching for Mr.and Ms.Campus king and Queen for the Valentine's day.
Parang gusto ko mag back out.Ang hirap naman.Hindi pa ako handa.



Dumating ang teacher namin,nag discuss.
Natapos ang klase ng walang liam na nagpapakita.

Dumating na ang oras ng game.Lahat kami ay pinapunta sa court.
Nakaupo na kami sa gitna,tanaw ang mga nagsisidatingan na players galing sa ibang school.Sila Jeric.
Sa kabilang side naman ay sila Khyb.

"Nasaan ba si Liam?May sakit na yun?Bakit hindi pumapasok?"naririnig ko ang mga bulong bulungan ng mga estudyante.

"Bakit hindi natin tanungin ang girl friend nya"

"Glacier"

Liningon ko ang mga tumawag sa akin mula sa ibang level.

"Bakit?"

"Hindi ba't boyfriend mo si Liam?...Nasan na sya? Bakit hindi mo kasama?"tanong nila pero mga mukhang maldita.

"H-Hindi ko rin alam"sabi ko.

"Ganyan ba ang girlfriend?Walang pakialam.Hayyst kawawa naman si Liam"bulong nila.

Bubulong bulong pa eh rinig ko rin naman.

Siniko naman ako ni Sarah.

"Aray bakit?"

Nginuso nya ang lalaking nasa baba.

Liam?

Nagsigawan ang ibang mga estudyante ng makita nila na lumabas  si Liam.Seryuso itong naglalakad.
kung dati pakindat kindat pa sya at pangiti-ngiti.Ngayon ay iba na.Seryuso lang sya lagi.

Nilampasan nya si Khyb.Nag dire-diretso sya kay coach.




Nag start ang game.
Maingay ang buong court.Lahat sila ay may kanya kanyang pinapanigang grupo.
Nabibingi ako sa mga sigawan nila lalo na ang mga babaeng nasa may likuran namin ni Sarah.

Suddenly Inlove☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon