❤SI:KABANATA 13

1 1 0
                                    

Queen

Hinatid ako ni Sarah sa bahay.Tumuloy ako sa kwarto, nakita ako ni mama pero si Sarah na ang nagpaliwanag ng lahat kay mama.
Ini-lock ko ang pinto ng kwarto ko at nagkulong sa Cr.Binuksan ko ang shower para hindi marinig ang pag-iiyak ko.

Nagpalipas ako ng ilang oras sa cr, wala pa akong balak lumabas ng may kumatok.

"Glay?"boses yun ni mommy.


"Glay ano bang ginagawa mo?Buksan mo nga to!"

"Glay...kapag hindi mo ito binuksan sisirain ko to!...O kaya tatawag ako ng pulis"



"Glacier"tumataas na ang boses ni mommy.

"Mama nandyan si ate?"ang kapatid ko naman ngayon.

Nakadamit parin naman ako.Hindi naman ako naligo, binuksan ko lang ang shower at naupo lang ako sa tiles.Kaya ang basa lang sakin ay ang palda ko.Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalala kong pamilya.

"Anak"

Agad akong nakabig ni mama at nayakap ng mahigpit.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa mata.Mas diniin ko ang sarili kay mama at itinago ang mukha sa kanyang dibdib.

"Mama"

Para akong batang inaway ng mga kalaro at inagawan ng laruan dahil panay ang hikbi at pag-iyak.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Kapag pala talaga mahal mo ang isang tao.Mahihirapan ka at parang hindi ko kaya kung malaman mong may iba na sya.
Mabibigla ka at hindi alam ang gagawin.

Nagpalit ako ng damit at umupo sa kama.Para akong isang maliit na bata habang sinusuklay ni mama ang mahaba kong buhok.

"Anak sabihin mo sakin.....Anong nararamdaman mo?.....makikinig ako sayo anak"sabi ni mama.

Nariyan nanaman ang luha ko.Kelan na mauubos ang tubig sa mata ko?!

"May girlfriend na sya mama.Si khyb"

Ganito pala ang pakiramdam kapag masyado mong binigay lahat ng pagmamahal mo para sa taong gustong gusto mo.
Mahirap pala kapag nawala ang first love mo.

"Ibig sabihin lang nun...may darating pa sayong mas better....glay....wag mong hanapin ang taong magmamahal sayo.Hayaan mong sya ang maghanap sayo"

Tumatak sa aking isip ang sinabi ni mama.

Dahil sa pagod kakaiyak ay nakatulog ako ng maaga.
Inayos ko ang aking sarili at hinanda ang gagamitin para sa Pagent mamaya.

Sa aking pag-apak sa loob ng gate, sa loob ng eskwelahang ito.
Hindi na ako si Glay na iyakin.Hindi.Hindi pala ako sigurado.Pero pipilitin ko na wag maging iyakin.
Ngayong araw.......kakalimutan ko muna lahat ng problema ko.

Ako muna si Glacier Hellenes.
Ang dating Glacier.

"GLAY"binitawan ni Sarah ang pompoms nya ay sinugod agad ako ng yakap.
Natawa nalang ako sa kanya kasi hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa classroom.

"Ano ba yan!,Parang sampung taong hindi nagkita"umismid lang sya sa mga classmates naming babae.

"Ayos ka na ba?"bulong nya habang pumupunta ako sa upuan ko.

"Oo...Salamat"para ipakita yun ay nginitian ko sya.Ngumiti rin sya sa akin.

"Glay.Galingan mo mamaya ah!,ipanalo mo ang G10"nagsigawan sila ng pangalan ko.

"Syempre gagalingan nya...partner nya si Khyb remember?"tapos nag ayieee sila lahat.

Muntik ng mawala ang ngiti ko pero napatingin ako kay Sarah.Nginitian ko sya, kakasabi ko lang na ayos na ako.Ayokong mawala yun.

Suddenly Inlove☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon