"THE Lord is with me. The Lord is with me."
Paulit-ulit ang dasal ko habang naglalakad sa bukid. Wala kasi akong mabilhan ng sigarilyo ni tatay sa mga tindahan sa bayan at sarado na rin ang lahat ng tindahan sa palengke dahil gabi na kaya kailangan kong pumunta sa bahay-kubo niya sa gitna ng bukid. May nakatabi raw siyang isang pack ng sigarilyo do'n kaya kinuha ko na imbes na uminit lang ang ulo niya dahil hindi siya makapag-yosi at aawayin niya na naman si nanay.
Nang makarating sa kubo ay agad kong nakita ang Fortune Green na nakaipit sa kahoy na pintuan. Babalik na dapat ako nang may mapansin akong kakaiba sa langit. Maliwanag ang buwan at marami ring bituin pero kitang-kita ko na may isang puting bagay na parang nahuhulog mula sa langit.
"Shooting star ba 'yon?" nakangiti kong tanong sa sarili. 'Yon ang unang beses na nakakita ako ng shooting star. Ipinikit ko ang mga mata at nag-wish. Pagdilat ko ay bigla akong napanganga. Ang shooting star... pabagsak na siya sa harap ko!
Tumakbo ako palayo. Mabilis. Hindi ako magaling tumakbo pero sa mga oras na 'yon, pakiramdam ko ang bilis bilis ko. Nang mapansin kong wala akong narinig na ingay ay tumigil ako. NIlingon ko ang pinanggalingan ko at kitang-kita ko ang white shooting star na bumagsak malapit sa kubo ni tatay.
Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ang nakikita ko? Star ba talaga ang nakikita ko? Alam kong hindi naman talaga gano'n ang hugis na star dahil gawa-gawa lang naman ang shape na may limang sulok na star. Isa pa, masyado 'yong maliit para maging isang star. Ang alam ko malaki ang star parang 'yong araw. Pero bakit ang liit ng nasa harap ko? Parang ka-size nya lang 'yong study table ko.
Unit-unti akong lumapit dahil hindi naman ako nakakaramdam ng masamang kutob o bad energy sa bagay na 'to. Hay. Hindi pa rin ako sigurado kung star nga ba 'to o ano. But surely, galing 'to sa galaxy. Pa'no kaya 'to nakarating dito?
Tumigil ako mga isang metro ang layo sa white shooting star. Maliwanag pa rin ang puting ilaw na lumalabas dito pero hindi naman 'yon nakakasilaw.
"Hi! Can you help me out?"
Napapitlag ako sa narinig na tinig. Sa'n galing 'yon? Matinis ang tinig at parang boses ng... bata?
"You, young homo sapien, help me! I'm stuck!"
Ako baa ng tinutukoy niya? Tsaka, ito bang star ang nagsasalita? Pero wala naman akong nakikitang bibig sa kanya.
"Are you just gonna stand there and watch me suffer? Hey! Come on here and help me up!"
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa star. Wala naman akong makitang nadadaganan ng star dahil nakabaon ang ¼ nito sa lupa. So, 'yong star nga mismo ang nagsasalita?
"Help me!!!"
Umikot ako dahil parang sa likod nanggagaling ang tunog. Muntik na 'kong matumba nang makita ang weird na creature na nadadaganan ng star.
"What are you looking at?! Stop being a stupid and help me outta here!"
Mabilis kong nilapitan ang weird creature kahit na ang hindi ako sigurado kung ano siya. Isa lang ang sigurado ko, hindi siya tao.
"H-How do you want me to help you?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano siya pero hindi naman ako kinakabahan dahil feeling ko mananakit siya. I feel safe with this creature. I even feel safer with him than when I'm with my father.
"Pull this thing up," turo niya sa white shooting star. Hindi kaya ako mapaso? Ewan. Sun lang kasi ang alam kong halimbawa ng star kaya feeling ko mapapaso ako.
"It's damn cold. It's not hot. This thing isn't the sun. Not even a star. So pull it up and help me out."
Wow. Nabasa niya ba ang nasa isip ko?
"Yes. I can read your mind. Help me out!"
Kung kaya niyang basahin ang isip ko, bakit hindi niya kayang tulungan ang sarili niya. Tulad ng... pag-alis ng star na nakadagan sa kanya?
"How many times do I have to tell you? This isn't a fucking star! It's just a stone! A very cold stone that's making my heart so cold that if I get out of here, I might strangle the neck of the very first homo sapien I see! And I can read minds, yes! But I can not do telekinesis, you dumb!"
Nababasa nga niya ang nasa utak ko! Pero pa'no niya naiintindihan eh hindi naman english ang nasa isip ko. Hello? Hello? Can you understand me?
"If you ask me one more time if I can read your mind or understand you, I will surely strangle your neck and your cows' and carabos' back there."
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang horizontal ends ng star. Malamig nga 'yon! At hindi mainit gaya ng inaakala ko. Magaan din ito at hindi mabigat tulad ng inaakala ko dahil sinabi niyang bato raw ito. Nang tuluyan kong maiangat ang star, o bato, ay saka nakalabas ang weird creature mula sa pagkakabaon niya sa lupa. Doon ko lang siya buong nakita. Teka, is aba siyang... pusa?
"Shut up, you homo sapien. Let me run down some things to you. First of all, even if you speak Tagalog, French, Spanish, Korean, Japanese, I can understand you. I have google translate in my head, just the better version that you homo sapiens haven't discovered yet. Second of all, this stone is a dead stone that's why it's light. What? You didn't know stones have life? You homo sapiens think you've discovered so much but you are actually still very primitive even with the number of iPhones you've made. Third of all, I am not a weird creature. Stop describing me as a weird creature. And lastly, I am not a freaking cat! I am a fairy! A fairy cat!"
Daebak! Nananaginip lang ba 'ko?
"You're not dreaming, honey."
Nagulat ako at napipi dahil biglang nasa harap ko na lang siya. Nanlilisik na ang mga mata niya at bigla akong nakaramdam ng panganib sa aura niya. Kanina ay wala naman akong naramdamang panganib sa kanya, pero bakit ngayon, parang bigla hirap na 'kong makahinga?
Bigla ay hawak na niya 'ko sa leeg at nakaangat na ang mga paa ko mula sa lupa. Nanlaban ako at pilit inaalis ang kamay niyang nakasakal sa 'kin pero wala akong magawa!
"You know what you are?"
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi na ako makahinga at nauubos na rin ang enerhiya ko sa katawan.
"You're dying. That's what you are."