"I SAW you."
"Catty!"
"Ssshhh. Maririnig tayo ng parents mo."
Mabilis na tinakip ko ang dalawang palad sa bibig. Nagulat kasi ako sa biglang pagpapakita ni Catty sa kwarto ko.
"Teka, bakit ka nandito? Pwede ba 'tong ginagawa mo? Hindi mo ba 'ko patutulugin muna bago ako kausapin?" wika ko sa mas mahinang boses na. Halos pabulong pa nga. Teka, okay lang pala na hindi ako magsalita at basahin na lang niya ang nasa isip ko, 'di ba?
For the past few days kasi, laging sa panaginip ako kinakausap ni Catty. Pero ang lagi naman niyang sinasabi ay tungkol sa pag-reinforce ng BUD ko. "Love yourself, love yourself" ang lagi niyang sinasabi sa panaginip ko.
"Your dreams aren't even dreams. They're all nightmares. It's very dark. I can't stay there for long. So here I am in your reality."
"Oh. So.. why are you here?"
"Oras na Jess."
"Oras na para sa'n?"
"Para paligayahin mo ang sarili mo. Para mahalin mo ang sarili mo. Nakita ko ang mga pinaggagagawa mo sa mga nagdaang araw. Lahat ng taong makikita mo, ina-assess mo kung sila ay BUD o DUD which shouldn't be the case. Nagiging judgmental ka, eh. Isa pa, hindi naman ikaw ang magde-decide kung sinong papatayin mo. May listahan kang susundin. At sa langit ang manggagaling ang listahan na 'yon, hindi sa'yo."
Lumabi ako. So, basically, parang guardian angel ko si Catty dahil nakikita niya lahat ng ginagawa ko. Hindi lang 'yon, nababasa niya pa ang nasa isip ko. Guardian Angel nga. O mas tamang sabihin, Guardian Cat.
"Please don't fucking call me Guardian Cat. That's disgusting."
Natutop ko ang palad sa bibig. Pwedeng magmura si Catty?
"Just because I curse doesn't follow I'm a DUD. Maraming tao ang palamura pero aminin mo, hindi ibig sabihin no'n masama na sila. Tama, mali?"
"T-Tama..." Marami nga naman akong kilalang nagmumura pero hindi naman sila masama. Actually, kadalasan pa nga 'yong mga mukhang 'di makabasag pinggan na 'di nagmumura na pala-simba ang masama.
"Now, let's focus on the task at hand."
"What is it?"
"Making you happy. Making you love yourself."
"Teka nga, anong pinagkaiba ng loving myself sa making myself happy. May pinagkaiba ba?"
"Ikaw ang sumagot."
"Ha? Eh, kaya ko nga tinanong kasi hindi ko alam, eh." Teka, bakit parang hindi namukhang pusa sa 'kin si Catty? Mukhang na siyang tao. O, nasanay na lang ba ako dahil lagi siyang nasa panaginip ko?