"ANONG ibig mong sabihing.. prinsesa? Ako? Prinsesa? At matagal nang nawawalang prinsesa? Paano?!"
"Okay.Tumingin ka sa paligid mo."
Nagtataka man ay sinunod ko si Catty at luminga-linga nga ako. Gano'n pa rin naman ang nakikita ko. The castle is beautiful and magical. Fairies are flying all around us. They all are smiling but not saying anything. May mga rabbits din sa paligid na iba-iba ang kulay. Wait a second. Familiar ang lahat ng nakikita ko, a. Ito ang paradise na ini-imagine ko dati! I knew it! This is just a dream! Teka, sa bukid ba 'ko nakatulog? Kailagang ko nang gisingin ang sarili ko dahil malamang na hinahanap na ako sa bahay.
"Hindi nga 'to panaginip, ang kulit mo. At 'wag kang mag-alala, kada oras na ini-spend mo dito sa BUD ay isang segundo lang sa mundo mo. Dalawang oras ka pa lang natutulog sa field kanina at wala pang isang oras simula nang magsimula tayong mag-usap kaya three seconds ka palang tulog sa mundo mo."
"BUD?"
"Brighter Upside Down."
"What the hell is that?"
"It's the good part of you."
"Huh?"
Bumuntong-hininga si Catty. Mukhang nawawalan na siya ng pasensya. Ipinadala ba talaga siya para tulungan ako?
"Lahat ng tao, may good at bad side, hindi ba? Pero may ilan sa mundo na isinilang na special. May ilang nabubuhay sa earth na mukhang tao, pero hindi naman tao. Tulad mo.
As I said earlier, you are a princess. You're a little princess in heaven. Not the angel, but a princess. May mga katulad mo na galing langit na ipinadala sa mundo para ayusin ang mundo. Pero may mali sa'yo. Nalagay ka sa masama at malungkot na pamilya. Kaya kung gano'n ang pagpapalaki sa'yo, hindi mo matutulungang maayos ang mundo. Magiging dagok ka lang din sa pagsasaayos nito. That's why I'm here. To fix you. So you could also fix the world you're living in right now."
"Ibig sabihin, hindi ko talaga tatay ang tatay kong nambubugbog at hindi ko talaga nanay ang babaeng mahina at hindi marunong lumaban?"
Tumangu-tango si Catty. "You don't have parents. Well, God is your parent. He is the parent of all of us anyway. Pero hindi mo naman kailangang i-describe ang tatay at nanay mo sa gano'ng paraan. Nagkataon lang na nakain na ng darker upside down nila ang BUD kaya pangit ang nakikita mo sa kanila."
"Teka, ano bang ibig sabihin ng mga upside down upside down na 'yan?"
"Okay. Nandito tayo ngayon sa BUD o brighter upside down mo. Ibig sabihin, nandito lahat ng mga bagay na gusto mo. Back in heaven, ganito ang tirahan mo. It's just that, we're not in heaven right now. We're in the brighter upside down of you. Para tayong nasa isang part ng puso mo na mabuti at walang hinanakit. Para tayong nasa good side mo. Kaya dito, masaya lang ang lahat. Walang pait. Walang inggit. Walang sakim. Walang crab mentality. Walang troll. Walang basher.