"YOU with sad eyes. Don't be discouraged. Oh, I realize. It's hard to take courage. In a world full of people. You can lose sight of it all. The darkness inside you can make you feel so small."
True Colors? May kumakanta ng True Colors sa tainga ko? Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko pero 'di pa man ako tuluyang nakakadilat ay nasisilaw na ako. Itinakip ko ang kamay sa mata at pinaghiwalay ang hintuturo at hinlalaki ko at saka roon sumilip. Sikat nga ng araw ang sumisilaw sa 'kin. Teka, umaga na?!
Bigla akong napatayo nang ma-realize kung nasa'n ako. Actually, napatayo ako dahil na-realize ko na hindi ko alam kung nasa'n ako. It's like a paradise. But that's weird. There's no paradise here on earth. Or at least, here in my hometown.
Sunflowers everywhere? And there's this sunflower-look-alike but it's lavender. Tapos sa kabilang banda ay may mga pink na bulaklak na hindi ko rin alam ang tawag. Weird. 'Yong buong bukid, naging isang malaking garden. But the mountain's still in the north. And I can still see the public market in the east. Our school in the west. And the gate out of the field back to the highway and home is south. Ano 'to? Nakatulog lang ako tas biglang tumubo na lang ang mga bulaklak? Pero palay ang itinatanim dito sa bukid at hindi bulaklak!
Bigla akong kinabahan nang maalalang inabot na 'ko ng umaga sa bukid. Siguradong nag-aalala na sa 'kin si nanay at galit na galit naman sa 'kin si tatay. Siguradong inaaway na naman niya si nanay ngayon. Mabilis akong tumakbo sa pilapil at lumabas ng bukid. Pero paglabas ko ay mas nagulat ako sa nakita.
Ang sementadong daan sa bayan.. bigla na lang naging... "Wait." Lumuhod ako para hawakan ang tinatapakan ko. "Gold? Is this gold?" Tumayo ako at mas lalo akong nagulat sa nakita. Ang bahay namin na gawa sa kahoy ay bigla na lang naging... "Castle?"
Slowly, I stepped towards my house. Alam kong iyon ang bahay namin but for some reason, bigla na lang itong naging kastilyo. "Paano?"
Unti-unti kong inilapit ang mga kamay sa gate na dati'y gawa sa bamboo pero ngayon ay gawa na sa halaman. Pero hindi ko pa naidadantay ang mga daliri ko ay bigla nang nagsigalawan ang mga vines na parang ahas. Paikot-ikot lang sila pero mukhang may pattern ang pag-ikot nila. 'Di nagtagal ay biglang bumukas ang "gate" namin. And it showed me the most beautiful thing I've ever seen.
A pool with the skybluest water on earth. Different flowers that I don't even recognize with different colors.. but still with pattern. Larger butterflies than usual but each of them have their own faces.. and they look like.. fairies?
"Yup, they are fairies."
Bigla akong napalingon nang marinig ang nagsalita. It was the same cat who strangled me last night.
"Jess, is that right?"
Tumango ako. Nang ilahad niya ang kamay ay agad akong napahawak sa leeg ko. Iyon ang kamay na sumakal sa 'kin kagabi.
"Alirght, knock it off. I'm not gonna hurt you. Had I known you were the little princess, I would've.. you know.. babied you instead of strangling you."