"HAY NAKU! 'Yang si Jane, hindi naman siya deserving sa top. Ewan ko ba kung pa'no siya naging top three kahit na hindi naman kataasan ang scores niya sa exams."
"I know right! Kahit nga si Carla, nakapasok pa sa top 15. Akalain mong ma-a-awardan din sa stage ang loka-loka eh nangongopya lang naman 'yon sa 'kin."
Hindi na lang ako sumabat sa pag-ttalk shit ng circle of friends ko sa mga classmate naming pasok sa top 15. Graduation na namin next week sa high school at kaka-announce lang ng mga nakasama sa top 15 kanina. Ga-graduate akong salutatorian at valedictorian naman ang best friend ko si Mika.
Sad to say, hindi makakarating si Mika sa graduation. Ang totoo niyan, isang buwan na siyang wala dahil nasa Amerika sila ngayon ng pamilya niya para ipagamot ang Daddy niya na na-stroke. Buti na lang at halos wala naman kaming ginawa sa buong buwan ng Marso na wala siya. Isa pa, tapos na rin naman na ang final exams bago siya umalis. Ako na lang ang nag-lista at submit ng co-curricular activities niya para pandagdag sa general average niya para sa final computation ng grade.
"Si Jess din kaya. Hindi naman siya deserve na mag-salutatorian. Lumamang lang siya sa co-curricular activities, eh."
Ay wow. Kaibigan ko ba talaga si Beverly?
Biglang tumahimik. Pasimpleng nagsulyapan ang mga "kaibigan" ko sa akin. I get it. Mukhang hindi alam ni Beverly na nakaupo rin ako sa round table na 'yon. Hindi niya siguro namalayan ang pagdating ko kanina. Buti na lang pala. Ngayon alam ko na na bina-back stab lang pala ako ng mga ito. Si Mika na best friend ko lang talaga ang tunay kong kaibigan. Siya lang at wala ng iba.
Tumayo ako at umalis na. Wala naman na kaming gagawin kaya pwede na akong umuwi. Isa pa, in-announce naman na ang top kaya hindi na nila pwedeng bawiin 'yon kahit pa mag-cutting class ako. Tsaka wala naman na kaming class, ano ba?
I'm frustrated about what happened back there. Hindi ako nainis sa sinabi ni Beverly dahil alam ko naman ang totoo. Kahit hindi ko pa isama co-curricular activites ko, ako talaga ang pangalawang may pinakamataas na general average. Gano'n din kay Mika. Kahit hindi ko pa sinubmit ang list of co-curricular activites niya, siya pa rin ang valedictorian dahil siya ang may pinakamataas na gen ave. Kaya hindi ako apektado sa sinabi ni Beverly dahil alam kong kabalbalan lang naman 'yon.
Nainis ako sa naging reaksyon ng ibang "kaibigan" ko. Ni hindi man lang nila ako ipinagtanggol. Actually, by the looks of it, mukhang nag-a-agree pa nga sila sa sinabi ni Beverly. Hay naku naman. Baka nilamon na sila ng DUD. Siguro ay puro inggit ang laman ng DUD nila. I can't believe papatayin ko sila in the near future kapag tuluyan silang nagpalamon sa DUD.
Malapit na 'ko sa gate nang may biglang bumatok sa 'kin. It was Joel. The feeling-pogi bully of our school. Okay, pogi na kung pogi. Pero jusko naman, wala na ngang utak, wala pang manners.
"Isa pa a!" Pagbabanta ko sa kanya. Pero pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kanya ay binatukan niya 'ko uli.
"Ano ba?! Isa pa talaga!" galit kong sabi. Muli akong tumalikod pero nakaka-isang hakbang palang ako palayo sa kanya ay binatukan niya ko uli. Pinigil ko ang magmura.
"Isa pa talaga, malalagot ka na sa 'kin!" Ang again, I haven't completely turned my back yet, het hit me again. Doon na ako napamura.
"Ano bang problema mo?!" bulyaw ko sa kanya.
"Eh, sabi mo isa pa, eh. Paulit-ulit ka ng isa pa, eh."
Naitapal ko ang palad sa noo. Ano nga bang laban ko sa pilosopo? Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi naman na niya 'ko hinabol pa. Buti naman. Sana nabasa niya na wala ako sa mood. Kapag binatukan niya pa 'ko, siya ang unang-una kong papatayin kapag nagawa ko nang ma-reinforce ang BUD ko. Halata rin naman kasi sa isang 'yon na nilamon na siya ng DUD. Isa siya sa mga magiging salot sa mundo in the near future.
Nagsabi ako sa guard na pupunta ako ng health center para kumuha ng gamot sa sakit ko dahil wala ng stock ang school clinic. Kailangan kong magdahilan dahil hindi pa naman "open gate" kaya kung wala akong rason sa paglabas ng school, hindi ako palalabasin ng guard.
Nagpasalamat ako nang pagbuksan niya ako. Binigyan niya pa ako ng pamasahe sa tricycle para makarating daw ako agad sa health center. Nice, nice. Mukhang BUD ang namamayani kay manong security guard. Hindi siya kasama sa mga papatayin ko in the future.
Pagsakay ko ng tricycle ay sinabihan ko ang driver na sa health center ako ibaba. Hindi ako pwedeng sa bahay magpahatid dahil baka malaman pa ng security guard. I don't want to disappoint him.
Pinakatitigan ko ang tricycle driver. Ano kaya ang namamayani sa kanya? BUD o DUD?
Hay naku!!! Simula nang makilala ko si Catty last week, lagi ko na lang tinititigan ang mga tao at ina-assess kung BUD o DUD ang namamayani sa kanila. Nakakaadik. Pero sa totoo lang, nag-e-enjoy din ako. Lalo na kapag nalalaman kong DUD ang bida sa personalidad ng taong 'to at alam kong ako ang kikitil sa DUD na 'yon in the future. O sa taong 'yon mismo.
Actually, sa susunod na magpakita sa 'kin si Catty, itatanong ko kung pwede bang 'yong DUD na lang ang patayin ko at hindi 'yong mismong tao. Kung pwede lang naman.
Syempre, kung may choice lang ako, mas gugustuhin ko pa rin namang bigyan ng pagkakataon 'yong taong mabuhay kahit pa masama siya. 'Di ba dapat gano'n? 'Di ba dapat bigyan ng second chance ang lahat ng nagkakamali kasi wala namang perpektong tao.
Tsaka, sa totoo lang, kahit na pangarap kong maging mala- Angelina Jolie kind of assassin, hindi pa rin ako 100% agreed sa trabaho na papatay ako ng tao. Dahil lang masama siya, papatayin ko na? Imposibleng wala siyang nagawa na mabuti sa buong buhay niya, 'di ba? Imposibleng hindi man lang bumida ang BUD niya.
Hay. Sana magpakita na sa 'kin ulit si Catty dahil napakarami kong gustong itanong sa kanya. At gusto ko lang ding makasiguro na totoo nga ang lahat ng naganap isang linggo na ang nakalilipas.
Pagdating ko ng bahay ay inabutan ko ang lolo ko na tatay ng tatay ko na sinisigaw-sigawan ang nanay ko. Biglang nagdilim ang paningin ko at mabilis akong lumapit sa kanila at itinulak siya palayo sa nanay ko. Tiningnan ko siya nang masama. Like father like son nga. Sisiguruhin ko na silang dalawa ang una kong pupuntahan kapag dumating na ang araw na kikitilin ko na ang mga buhay nila.
Wala silang second chance sa akin. Wala!