Expect the UNEXPECTED chapter 1

299 12 4
                                    

CHAPTER 1

"yes sir, I will send it as soon as possible sir. Thank you"

haaayyyyz

"oh ano? suko ka na ba? haha"

tinignan ko naman ang katrabaho ko.

"ako nalang lahat ang nagtatrabaho neto" sabi ko sakanya sabay ayos ng documents.

"sino ba nagsabi sayong mag aral ka ng korean? ayan tuloy, ikaw ang incharge para sa mga korean clients"

ayoko naaaaa~

----

9pm uuwi palang ako ng bahay. Sarap buhay talaga kapag nagtatrabaho ka na eh. Tss!!

"andito na po ako" sabi ko pagka pasok ng bahay.

"oh buti naman at andito ka na Emmanuel, may bisita ka"

bisita? sa pag kaka alam ko wala naman akong ineexpect na bisita ah.

"ATE!!!!!!!"

sigaw niya habang tumatakbo papunta saken.

"Snowy! teka lang, pagod ako, wag mokong tatalunan. Tsaka papa? bisita? eh kahapon lang magkasama kami neto eh" para nang linta si Snowy na nakayakap saken

"sinabi ko bang siya ang bisita mo?"

"ha? eh sino po?"

"ako"

bigla akong napalingon.

"halimaw ka! bat andito ka?"

"welcome na welcome ako ah"

"bat ka nga andito?"

"bawal na bang umuwi ng Pinas?"

"hndi...pero asan si Jong?"

"nasa America sila ngayon"

alam nyo na guys kung sino yan. Si Jonghyun. Tss

"wala ka padin pinagbago after 2 yrs, maldita padin"

narinig ko namang tumawa ng malakas si papa. Napairap naman ako.

"Jonghyun, tara kain na. Oh! andito ka na pala Emmanuel, tara kain na. Hoy Manuel, tumayo ka na dyan, nakakahiya, nakahiga ka pa kita mong may bisita tayo."

"tara na ate, wag mo nang tignan ng masama si Kuya Jonghyun, buti nga binisita ka pa eh haha" sabi sakin ni Snowy at hinila nako.

"iba naman kasi ata gusto niyang si Emmanuel makita eh" sabi ni JH na kasunod na namin.

"sino? si Jimin?" sabi ni papa

kapag naririnig ko pangalan niya, parang kinikilig ako pero unti unti ring humahapdi. 2 years na ang nakakalipas, simula nung mag break kami at umuwi ako dito, hndi ko na siya nakausap ulit. Nagvivideo chat kami ng Bangtan pero ni hindi siya mag effort na kausapin ako ng kami lang. Kala ko ba walang limutan? anong nangyare?

"huy! tulala ka dyan ate, kumain ka na."

natauhan naman ako.

----

"bye ate, see you bukas" sabi ni Snowy

"bakit?"

"mag a-outing daw tayong tatlo ni kuya JH eh hehe"

"wow, nagplano kayo na hindi ko man lang alam?" sabi ko kay JH

"eh till bukas lang naman ako dito sa Pinas. Pasalamat ka nga at dumaan pa ako sayo eh."

"wow! bakit? hiningi ko bang pumunta ka dito?"

"hahaha miss din kita"

inirapan ko naman siya. Ang kapal neto talaga. 2 yrs na pero ala kaming pinag bago. Nakakamiss din talaga sila, pati mga kaibigan ko sa Korea. Hayz

Expect the UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon