CHAPTER 12
Emman's POV
andito padin sila Jong, V at Jackson sa kwarto. Ina antok pa naman ako.
"pwede bang lumayas na kayo dito? inaantok ako eh" sabi ko
"edi matulog ka" sabi ni Jackson
"matulog ka na Emmanie, oh" sabi ni Jong tapos umusog para magka space yung kama ko.
"pano ako makakatulog kung ang iingay niyo? haha" sabi ko
"tara na nga, baka tayo awayin nito eh" sabi ni V. Inirapan ko naman siya.
Tumayo na sila at umalis ng kwarto.
"Chae matutulog muna ako ah" sabi ko
"go ahead eonni" sabi niya. Busy lang siya mag phone.
----
Jin's POV
nag tatry kami maminwit ng isda, kasama ko sina Jimin, Jhope at Namjoon
4pm palang naman, 6pm pa daw yung party party
"hyung may nahuli ka na?!" sigaw ni Jimin. Nasa may malayo siya eh
"wala pa!!" sigaw ko
"hoy Jimin madulas ka dyan ah, mabalian ka nanaman" sigaw ni Jhope
tinignan ko naman si Jimin, nasa malaking bato siya, malapit na sa tubig.
"waahhhhh!" nagulat ako sa sigaw ni Jimin
"ang laki hyung oh!" sabi niya sabay taas ng isdang nahuli niya.
Anak ng pating, malaki nga. Ako itong kanina pa dito wala man lang mahuli, siya na kararating lang may nahuli agad.
"pwede ba nating iulam yan?" tanong sakin ni Jhope
"pwede naman siguro"
tumakbo palapit samin si Jimin, tuwang tuwa habang hawak yung isda. Mga isang ruler ang haba nya.
"iulam natin Jimin" sabi ni Jhope
"ikaw na bahala mag luto hyung" dagdag pa niya. As usual ako nanaman.
"wooow!! it's so big!!" Chae
napatingin kami sa nag salita. Palapit sina Jackson, Chae, Emman at JK.
"ang galing ni Jimin, siya nakahuli niyan" sabi ni Jhope
"Can I try?" sabi ni Emman sabay lapit saken. Binigay ko naman yung pamingwit.
Napaisip ako, dinadaan daanan niya lang talaga si Jimin haha
"Emman! dont go too far, you might fall down the water" sigaw ni Jackson
tinignan naman namin siya, andun din siya sa spot na pinuntahan ni Jimin kanina. Medyo risky nga talaga doon kasi mataas ang mga bato at medyo malakas ang hampas ng alon.
"Emman, the waves are getting too strong!" sigaw nanaman ni Jackson
pero matigas din talaga ulo ni Emman, ayaw makinig.
"wah!!!"
patingin kami sakanya, muntik na siyang madulas. Sinasabi na kasi eh.
tinignan ko naman ang iba, si Jackson naghuhubad na ng tsenelas para puntahan si Emman. Si Jimin naman halatang gusto na niyang lapitan si Emman, halatang nag aalala na pero pinipigilan niya lang.
"Emman! come down right now!" sigaw ni Jackson. Para na siyang tatay na inuutusan ang sutil na anak.
bumaba naman na si Emman, inalalayan din siya ni Jackson.

BINABASA MO ANG
Expect the UNEXPECTED
FanfictionEmmanuel Ferrer's story together with BTS goes on. What would happen this time? Will their love story starts a second chance? or will it end forever? And will another's love story begin? hmmmn... It is for you to find out! :) p.s. If you haven't rea...