Expect the UNEXPECTED chapter 2

162 7 0
                                    

CHAPTER 2

Emman's POV

work work work nanaman. Hayz! kung hindi ko lang kelangan magtrabaho para mabuhay, buong araw nalang ako tulog haha

"Miss Ferrer, have you seen the system flow draft?" sabi ng co-worker ko

"yes sir, medyo may mga magulong process lang pero inayos ko na din. Pinasa ko na po sa head programmer"

"ok thank you"

"welcome sir"

system analyst ako sa company nato, yun talaga ang inapplyan ko, may mga nagpapagawa samin ng systems gaya ng mga malalaking companies din. Ang ginagawa ko eh inaanalyze ko ang system at kung pano siya dapat mag work tapos gagawin na yun ng programmer. Medyo bumigat nga lang trabaho ko kasi ako na din incharge sa mga Korean clients, since fluent na ako sa Korean Language.

"uy girl, pinapatawag ka ng head natin." sabi ng bading kong katrabaho din. Kinabahan ako, yung head pinapatawag ako? Huhu

habang naglalakad nako papuntang office ng head, inaalala ko kung may mga kasalanan ba akong nagawa ko palpak na trabaho, wala naman. Bakit kaya huhu

*tok! tok!*

kumatok ako at pumasok

"sir, pinatawag nyo raw po ako?"

"yes Ms. Ferrer, I have a very important matter to discuss with you"

important matter? bat ako? kinakabahan tuloy ako.

"yes sir?"

"our company has a branch in Korea, I dont know if you know this. And they need a good system analyst. I'm planning on transfering you there"

shook!! O.O bat ako?? bat ngayon pa??

"sir?"

"are you willing to accept my offer?"

"ahm sir, may I ask...bakit po ako hehe"

"obviously, ikaw lang ang system analyst natin na fluent sa korean, so ikaw talaga ang tamang tama sa trabahong yun."

sabi ko nga diba?

"ahh..ahm..may I ask again sir?..ahm do I have any options?"

"I'm sorry but none"

yun naman pala sir, bat ka pa nagtatanong kung willing ako? Nebeyen?

"okay sir, I'll do it"

"thank you Ms. Ferrer. They need you to report as early as next week?"

SHOOK!! next week agad????

"ok sir"

pakalabas ko ng office, nag sigh ako ng bonggang bongga. Stress!!!

----

"talaga? aalis ka na? ano ba yan, wala na kaming kasamang ibang babae, tatlo na nga lang tayong babae sa team eh"

tatlo lang kaming babae talaga dito, dalawa kaming analyst tapos ung isa incharge sa documents at important papers.

"kahit naman ako nagulat talaga eh, ayoko sana kaso wala daw akong ibang options eh"

"permanent na ba yun?"

tumango naman ako

"mamimiss ka namin Emmanuel huhuhu"

"mamimiss ko din kayo, dont worry bibisita ako syempre, same padin naman tau ng company eh, sa ibang lugar na nga lang ako."

kelangan ko lang daw tapusin yung binigay saking task dito tapos pwede nakong umalis agad papuntang Korea.

Expect the UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon