~ Hindi lahat ng kaibigan, dapat pinapayuhan. Minsan kailangan mo lang silang batukan para matauhan. ((:
Sila yung taong ngangawa at iiyak sayo tapos manghihingi ng advice kuno pero di naman susundin. Mabute pang sabunutan na lang ee. XD
________________________________________________________________________
Isang buwan na nakakalipas simula nung maging ‘lab partners’ kame..
Masaya, nakakatuwa at nakakagana gumawa lalo na kapag nakikita ko sya ng malapitan at nakakasama ng matagal.
Hindi ko lang masabe na masaya ako ng buo at direcho dahil pakiramdam ko may kulang pa. :|
“Have a seat Mr. Salvacion.”
[ Nandito ako ngayon sa office, kakausapin daw ako ng adviser ng section D. Ewan ko pa kung para saan. ]
“Baket nyo po ako pinatawag?”
“I just want to talk to you personally..”
“+______+”
“.. para magpasalamat.”
“Para san po ma’am?”
[ Ang hula ko nga may nagawa akong violations, pero ang pasalamatan? Di ko maintindihan. ]
“I would like to thank you for all of your effort as part of the changes happened in your batch. Kagaya netong huli, malaki ang pinagbago ng routine ninyong 3rd year students dahil sa pagcocombine ng bawat class. At alam kong malaking adjustment ang ginawa ninyo para maisakatuparan ito.”
“Wala naman po akong ginawa eh. Responsibility po namen yun bilang students ninyo.”
“Marami kang nagawa at malaki ang naitulong mo.”
“+_______+”
[ Pinatawag pa talaga ako para pasalamatan? Sus eh wala naman talaga akong ginawa sa pagkakaalam ko. >__< ]
“Hindi mo lang alam kung ganu kalaki ang na-contribute mo para mapataas ang grades ng mga nasa lower sections lalo na ang section na hawak ko. You served as an inspiration to them. When every time they see you in the same class, they feel the urge to study hard.”
“Sa palagay ko po, hindi naman po ako ang dapat pasalamatan kundi sila rin po.”
[ Hindi naman siguro magandang pakinggan na sa ibang tao ipinagpasalamat ang hirap at pagtiyaga na ginawa mo. Kagaya sa sitwasyon ngayon, effort pa rin ng mga estudyante yun at hindi ako. ]
“Speaking of section D, your partner Keena Lopez got the highest scores sa mga activities especially science. And I’m sure it’s all because of you, Mr. Salvacion.”
Masaya ako pero hindi masayang masaya. Masaya ang ibang tao sa sinasabe nilang nagagawa ko at di yun naging dahilan para makisali ako sa tuwang nararamdaman nila.
Oo nga’t nakakatuwang isipin na sa maliit na paraan nasubukan kong matulungan si Keena. Pero hindi pa rin ako tuluyang sumaya. :-/
*Flashback*
Sa Library, last week..
“Hello Brian! ^___^”
“Hi”
[ Mas maikling salita, mas hindi mabubulol. ]
“Okay lang pa-share dito sa table? Wala na kaseng vacant eh.”
“*nod nod*”
“Wag mo sabihing paos ka nanaman kaya di ka nagsasalita? Ahehe”
YOU ARE READING
Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)
Teen FictionDati nagkalat ang mga BASURA. Ngayon nagkalat pati mga PAASA. !@#$%