~ TAO nga nagbabago, FEELINGS pa kaya?!
Kaya wag masyadong confident sa kung anumang pinapakita nya sayo.. Malay mo ilang araw lang lahat yan eh mawala at magbago. :-s
_____________________________________________________________________________
*****Saturday, 10:26am.
“Adik sa ‘yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon..
.. Tungkol sa ‘yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw..
.. Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa’t pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita.. ♫♫ ”
Sa kwarto. Nakahiga. Nakasalpak ang headset sa tenga habang sinasabayan ang kanta. Tamad na tamad lang ang ichura. HAHA.
Tuwing ganitong araw ko lang din kayang gumising ng hindi maaga. Walang inaasahan at inaalala. ‘Rest day’ ika nga ng iba,, para sa mga estudyante ito’y mahalaga. At sa nalalapit na sembreak, mukang mapapadalas pa. XD
Hinahanap-hanap kita ni Daniel Padilla. Ayos lang, pwede na. Bagay naman sa boses nya eh. At sa lahat ng bersyon, sa kanya lang ang nagustuhan kong sabayan.
Lilinawin ko lang na hindi ako bading kaya ko to nagustuhan at malabong si Daniel mismo ang aking natitipuhan. Psh! Natutuwa lang talaga ako sa pinapahiwatig ng kanta. :-)
*Mula sa likod, may biglang hahawak sa balikat ko na ikakagulat ko*
“Anak.. Bat ganyan itsura mo? Parang nakakita ng multo.”
“O_______O”
[ Si mommy lang pala. Akala ko may kasama na kong IBA sa kwarto. ]
“Nagulat lang po ako.”
“Kanina pa kase ako kumakatok para sana gisingin ka at makapag-breakfast na. Nung makita ko namang hindi naka-lock ang pinto mo, pumasok na ko.”
“Ahh pasensya po. Hindi ko agad narinig.”
[ Panung hindi ko maririnig eh nakatodo nga pala ang volume ng ipod ko. ]
“Magaling ka palang kumanta? Bat hindi ko agad nalaman yan?”
“Po? Hindi. Baka po tong music yung narinig mo.”
“Hindi, sigurado akong boses mo yun. Hindi mo lang namalayan kase malakas nga yang pinapakinggan mo.”
[ Hindi naman talaga. Hanggat maaari ayaw kong may makapansin na iba kahet pamilya ko. -___- ]
“Tamang tama!”
“Ang alin po?”
“May ihihingi sana akong pabor sayo, anak.”
“@_________@”
YOU ARE READING
Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)
Roman pour AdolescentsDati nagkalat ang mga BASURA. Ngayon nagkalat pati mga PAASA. !@#$%