Punishment

1.2K 21 3
                                    

~ Nilalamig ka ba? .. Eh bat 'di mo subukang yakapin yung plantsa. =______=

Hindi lahat ng tanong BANAT. Wag agad kiligin. K? XDD

_____________________________________________________________________________

One week after..

“Congratulations Mr. Salvacion! You never fail us. Every time na sinasali ka namen sa kahet anong kompetisyon, sinisigurado mong magiging proud kame sayo. You did a very good job!”

“Thank you po, ma'am! Di ko naman po yun magagawa kundi rin dahil sa matyaga nyo pong pagte-train saken.”

Kausap ko yung adviser/trainer na naghikayat saken na mas mapalawak ang kaalaman ko. Siya kase talaga ang pinakaunang tao na naniwalang kaya kong sumali sa maliit man o malalaking competition within or out of the school grounds.

Tuwang-tuwa na binati nya ako sa kung anuman ang naa-achieve ko. Kagaya ngaun, naswertehang naipanalo ko ang division level quiz bee na ginanap pa sa ibang school. Ang kaibahan, pakiramdam ko chamba lang. >___<

“Ganyan ka naman parati! Matalino nga, kulang naman sa self confidence.” [ Si Kyle, kasama rin sya, ]

“+_________+”

[ Nung nagsabog si God sa mga tao sa earth ng kompyansa sa sarili eh natutulog ata ako. ]

“Hindi ka mabubuhay kung mahihiya ka lang.”

“Ikaw rin naman, mahiyain diba?”

“Oo aaminin ko mahiyain nga ako. Pero kung ganyan naman ako katalino kagaya sayo, hinding hindi ko pagdududahan ang sarili ko.”

[ Tama sya na yun ang pinakamaling ginagawa ko. ]

“Alam ko naman na di mo rin sinasadya na maging humble sa mata ng iba, pero mali na kase kapag sobra.”

“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Kahet maganda naman nagiging resulta, negative pa rin dating saken.”

“Minsan mas okay kung iisipin mo yung kinaganda ng sitwasyon, kung may naidulot na mabuti sayo. Kagaya ngayon, mas lalo ka pang gumagaling kaya ka nanalo. Hindi lang dahil sa chamba.”

Pessimistic, ganyan ako. Malungkot pero yun ang totoo. :-(

Hindi ko kayang magtiwala sa kakayanan ko, ichura at talento. Maging maganda man ang kalabasan neto sa iba, hindi ko pa rin kaya. Iniisip ko kase kulang pa yung nabibigay o napapakita ko sa kanila.

Di nga lang ba ako makuntento o masyado mataas ang standards ng mga nasa paligid ko? -_____-

“Hey Genius! Congrats ah.”

“Ang talino mo talaga, walang kupas.”

“Pang-genius ang level mo, congrats!”

[ Mga kaklase ko na di ko naman alam kung anong mga pangalan. Hindi kase ako pala-kausap sa iba. Tanging si Kyle lang kase yung kasama ko madalas. Bukod sa halos magkapareho kame ng dating at ichura, naiintindihan nya yung napagdadaanan ko. ]

GENIUS, yan ang tawag nila saken. Akala ata nila ganun nga talaga ako. Pero ang di nila alam, malayong malayo sa kung anong kahulugan nito. :/

Ayoko naman talaga na kilalanin nila ako sa ganung paraan. Mas nararamdaman kong ibang tao ang nakikita nila saken at hindi masayang malaman. Kaya nga tuloy di ko magawang magtiwala sa sarili ko mismo, lalo na sa ibang tao..

“Brian, pinapatawag ka sa faculty.” [ Tawag ng isang kaklase ko. ]

“Baket daw?”

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now