~ Ang mga babae parang mga prutas yan, May Iba't Ibang flavor, kulay at itsura. Ang problema sa ibang lalaki.. Mahilig sa FRUIT SALAD. >_<
Sana matapat sa kanila yung mga MAPAKLA, BUBOT at MAPAIT PA! Tignan naten kung mageenjoy pa sila. :p
_____________________________________________________________________________
“Hoy, sino ka?! Anong ginagawa mo?”
“Brian?”
[ Dahil ata sa sobrang lakas ng boses ko, napatayo sya sa gulat. ]
“Kee-na? @___@”
“Anong ginagawa mo dito, Brian?”
[ Ano nga ba? Bat ako nandito sa room nila at mapagkamalan syang masamang tao? Palpak. ]
“A-an-no ka-se napa-da-an lang. I-i-ikaw?”
“Ah ganun ba? Ako naman nahuli sa pag-aayos ng gamet ko. Ahehe”
[ Kung mapapansin nga hindi pa nakaayos mga gamet nya at mejo nakakalat pa. ]
“Pauwe ka na?”
“O-o, i-ikaw?”
“Hindi pa.”
[ Bukod sa nagkalat nyang mga gamet, parang may sinusulat sya. ]
“Par-ra san yyyyan?”
“Ah eto ba? May hindi kase ako naintindihan na lesson kanina kaya binabalikan ko. Tsaka sayang din time wala pa naman akong sundo.”
[ Kaya hindi ako sang-ayon na ako ang papasalamatan ng teachers sa pagtaas ng grades nila. Sa kinikilos ngayon ni Keena pinapakita nya lang kung ganu sya nagsisikap na makahabol sa lesson. ]
“A-nong sub-ject ba? Ba-ka a-lam ko.”
“Ay, wag na Brian! Kahet sure akong alam na alam mo to, nakakahiya naman na lage na lang ako nagpapatulong sayo.”
[ Haaay naku, Keena! Pwede ko bang sabihin na ito ang oras na pinakahihintay ko ng matagal na panahon? Kung san kasama kita nang walang sinuman ang manghuhusga. ]
Isang nerd/jologs at sikat na mala-artista ang ganda ngayon ay magkasama. Sa isang lugar kung san sila lang ang bida. Walang sagabal at huhusga na mga kontrabida. At higit sa lahat, masusulayapan ko pa gaano man katagal pero hinding hindi magsasawa. [ Swerte ko, unli-silay. Hehe ]
Wala ng tanong tanong at di na magdadalawang isip pa, tinulungan ko sya sa part ng lesson na naguguluhan at hinayaang mas maintindihan nya to. Bilib na talaga ako sa sipag nya eh.
“Ah okay! Ganun lang pala yun?”
“*Nod nod nod*”
“Hm, how about here? I think it’s the hardest part talaga ee.” [ Sabay turo sa notebook. ]
Di nyo kase natatanong eh magkatabi kame ngayon habang tinuturuan ko sya. Kapag nalalabuan sya sa bulol kong salita, mas lumalapet ang distansya naming dalawa. Ngayon ko lang tuloy naisip na may pakinabang pa pala ang pagiging bulol ko.. Yun ay ang mas mapalapit sa puso ni Keena. Hehe
Lord, pwede mo po bang patigilin muna ang oras? Patagalin at baka sakaling mahalin. XD
Napapa-“tsk” na lang ako ngayon sa isip ko kapag alam kong nakukulangan na ako ng hininga sa twing titignan nya ko sa mata. Para bang torture, ganun yun diba? Kase pinapabilis nya na nga ang pagtibok ng puso ko tapos kinukuha nya pa ang tsansa na makahinga ako. Yun nga ata ang nangyayare sa taong INLOVE. ♥_____♥

YOU ARE READING
Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)
Teen FictionDati nagkalat ang mga BASURA. Ngayon nagkalat pati mga PAASA. !@#$%