5: Family

5 0 0
                                    


"Mamaaaa!!!  laro na tayooo"

mas masaya sana kapag dito din shi Papa at kuya... wala kase akong mga kalaro dito sa Korea

"TOPHER PLEASE STOP!"

oh~~ si tito Topher!!! nasa room ni mama yesh!  tatlo na kaming maglalaro hihihi...

"Mama~~ tito~~ papasok po ko ahhh"

"Mama..."

"Baby go back to your room now! "

*crying* "Mommy bakit ka po umiiyak huhuhu tito inaaway mo po ba si mama? "

Natatakot ako dahil bigla na lang akong hinila ni tito at dinala sa C.R

"BITIWAN MO ANG ANAK KO WALANG HIYA KA! "

"MAMA WAAAHHHH!!! bad ka sinasakatan mo mama ko bad ka!  bad ka tinulak mo si mama! susumbong kita kay papa!!! huhuhu"

"SUBUKAN MO PARA PAPATAYIN KO KAYO NG KUYA MO! "

"waaaahh buksan mo po itong pinto titooo!!! *crying* mama huhuhuhu"

"AHHHH"

"MAMA! "

"Mama"

Panaginip... pera sakin isa iyong bangungot. Bangungot na patuloy na nagpapahirap samin ni mama, bangungot na naging dahilan kung bakit kami nagkalayo nila kuya... Mga ala alang patuloy akong dinadalaw para pahirapan ako.

sigh...

Bumangon na ako at pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi, pagtingin ko sa katabi kong kama ay wala na si Gian, paniguradong naghahanda na yon ng almusal naming lahat.

Bumaba na agad ako dahil nakakatakam na ang amoy ng niluluto ni Gian

dumiretso muna akong banyo para makapag hilamos at toothbrush 6:50 palang ng umaga at mamaya pang 8:30 ang start ng klase namin  kaya maya-maya na ko maliligo.

Paglabas ko nakita ko agad si Gian na nakasuot ng apron na ang design ay si Baymax. favorite daw kase niya ito hahahah, kaya dito sa dorm namin ay maraming mukha ni Baymax na regalo ng mga fangirl niya kuno. Merong dalawang malaking Baymax na doll, may unan din siyang Baymax at yung sleepers niya ay may mukha din ni Baymax at kung anu-ano pa.

"Hey Goodmorning, mukhang hindi maganda ang gising mo Andy? "

"ahh nanaginip kase ako ng hindi maganda eh"

komportable ako kay Gian at siya ang una kong naging kaclose at naging kaibigan dito sa school, sobrang daldal niya at napakakulit kaya naging close agad ao sa kanya pero alam ko sa huli magagalit at  lalayo loob niya sakin kapag nalaman na niya ang totoo. Sorry kuya Gian.

"Gusto mo bang ikuwento sakin?"

"ahh hindi ko na maalala yung aksaktong napanaginipan ko kaya di ko na makukuwento sayo,  sorry"

" hmm ok pero kapag kailangan mo ng kausap dito lang ako ahhh"

"sige kuya haha"

" kulit mo Andy! sabi ko sayo wag mo na kong tawaging kuya eh"

Tinawanan ko lang siya at umupo na sa puwesto ko para mag gatas. Ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya dahil nawiwirduhan daw siya since parehas kaming 4rth year student kahit na mas matanda talaga siya ng 2 years.

"Yowwwww. Goodmorning Andyyyy!!!,  pakaen na Gian!!"

sigh... panibagong araw nanaman kasama ang madaldal na unggoy tsk tsk.

Kasunod niya dinh dumating si Dylan at Carlo... woahhh ang g-gwapo nila kahit mga bagong gising

"Si Adrian nasaan? " Tanong ni Gian habang nag aayos ng mga pinggan sa mesa

"Ahh susunod na yon. May kausap lang sa phone saglit" -Carlo

Ang cute ni Carlo kapag bagong gising naniningkit ang mga mata hahaha. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya sa tuwing nandito siya dahil kung titignan mo siya ng maiigi  yung aura niya is very attractive at hindi ka magsasawang titigan siya, yung perfect jaw line niya, then yung mga mata niyang itim na itim, lalo na yung ilong niya napaka tangos at maninipis at mapupula niyang labi— wait... ano bayan! bat ko siya iniisip eyyyyy...

Tinigil ko na ang pagpapantasya ko kay Carlo at baka kung san pa umabot ang imagination ko

Nasa kalagitnaan na kami ng pag-aalmusal ng dumating si kuya

"Adrian your late at dahil diyan ikaw ang maghuhugas ng pinag kainan natin ok" Bungad agad sa kanya ni Gian kahit na may laman pa ang kanyang bibig

"Sige" nakasimangot na sagot ni kuya at umupo na para mag almusal

Nagtataka akong nakatingin kay kuya pati narin ang iba kong mga kasama dahil mukhang hindi maganda ang gising niya, may nangyari kaya?

"What happen Adrian? mukhang hindi maganda gising mo"

Tanong ni Dylan kay kuya kaya napatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay ng magiging sagot niya

Huminga muna ng malalim si kuya bago magsalita "They're here" maikling sagot ni kuya na ipinagtaka ko, They? sinong sila ang tinutukoy ni kuya?

"They? you mean your...? " pabitin na tanong ni Kennedy kay kuya na lalong nagpagulo sakin

Sino ba? wait. Bigla na lamang akong ginapang ng kaba at napatingin ako kay kuya at naghintay ng magiging sagot niya.

"My mother and my younger sister they're here."

"But why?" - Carlo

Si mama at ako, paano niya nalaman?. Anong gagawin ko? what if malaman nila kuyang andito? Si tita,  I need to talk to tita.

Kinakabaha. akong tumayo sa aking kinaupuan kaya nalipat ang atensyon ng lahat sa akin. Naptingin naman ako kay kuya at agad na umiwas

"A-ahm tapos na kong mag almusal"

Sagot ko sa kanila agad at hindi na hinintay ang susunod nilang sasabihin at nagmamadaling umakyat sa itaas

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking kama at tinext si tita agad

Tita alam na ni kuya na nandito na kami sa pilipinas.

*send*

Kinuha ko ang jacket ko at kinalma saglit ang aking sarili bago bumaba para hindi sila magtaka sa biglaang pagbabago ng mood ko. Pagkakababa ko ay tahimik akong naglakad para hindi na maistorbo sila kuya,  hindi na rin ako napansin nila kuya dahil seryoso silang nakikinig kay kuya pero bago pa man ako makarating sa pintuan ay napahinto agad ako sa narinig ko kay kuya na siyang kinabahala ko

" I will make sure na makukuha ko ang kapatid ko at ilalayo sa kanya"

Kuya... hindi ako papayag na ilayo mo ako kay mama, I promise ibabalik ko ang lahat sa dati... promise...

At humakbang na ko palabas.

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon