5.1: Family

6 0 0
                                    


"Tita anong gagawin natin, natatakot ako baka masira yung mga plano ko"
andito ako sa office ni tita Nanz para maka usap siya, buti na lang on the way na siya nang itext ko siya.

"Rian we need  to faster, for sure ipahahanap na kayo ni kuya para makuha ka at ilayo kay ate Cass"

Hindi rin makali si tita Nanz at kanina pa paikot ikot sa aking harapan. Kayang kaya kaming ipahanap ni papa as soon as possible, kaya kailangan naming gumawa ng paraan para mas mapadali ang pagkaka usap ko kay kuya. Na sana ganun kadali, para maging maayos na ang lahat.

"Tama!!!" nagulat naman ako bigla sa biglaang pag sigaw ni tita pero mukhang may naisip na siyamg magandang plano

"Since alam na nila kuya na nandito na kayo sa pilipinas, for sure within 1 week matutunton na ni kuya kung saan tumutuloy si mama mo"

"At magagalit sayo si papa dahil pinapatuloy mo kami sa bahay mo tita" paniguradong magahalit talaga si papa lalo na't si tita na kapatid pa niya ang tumutulong sa amin ni mama, hindi iyo matatanggap ni papa.

"It doesn't matter to me, tinutulungan ko kayo dahil pamilya tayo at alam ko na tama itong ginagawa ko. Kung hindi lang sa sana mga bwiset na mga taong yon hindi masisira ang pamilya mo pamangkin"

Sigh... bakit ba kase sa dinami daming problema ito pang pinakamasakit ang nararansan namin nila mama...

"Thank you tita, kung hindi dahil sayo baka nawalan na po ako ng pag-asa na maayos pa ang lahat."

"Pamilya tayo kaya dapat lang na nagtutulungan tayo. ah!  about pala sa naiisip kong plano, since alam na ng lahat na andito na kayo sa pilipinas at hinahanap na nila kayo lalo na ng papa at kuya mo, bakit hindi ka na lang magpahanap."

"Ha? Eh diba hinahanap naman na talaga nila kami?"

"Yah! listen to me first arrasso. Ganito kase yon, kahit saang lupalop ka pa ng pilipinas magtago mahahanap at mahahanap ka nila lalo na ng salbaheng asawa ng papa mo ok."

May punto si tita kahit anong pagtatago ang gawin namin ay wala rin, maraming koneksyon ang Ridge family kaya hindi magtatagal ay matutunton nila kami "Then anong plano mo tita?

"ang mama mo for sure ilang araw lang ay kaharap na ang daddy mo kaya hindi muna kayo pwedeng magkita ni ate Cass. "

" miss ko na si mama titaaaa paano na yun? "

"Ikaw agad ang hahanapin ni Kuya kaya hindi ka niya agad pwedeng makita.  dapat ang unang makahanap sayo ay ang kuya mo dahil mas mapapadali kapag nalinawan na si Adrian, since andito ka lang naman sa all boys school na ito hindi kanila matutunton dahil sinigurado kong walang butas ang naging plano ko bago kita ipasok sa school na ito liban na lang kung tayo nila ate mismo ang magsasabi na andito ka."

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon