Chapter 13 Punishement: Batuhan Bata

4 0 0
                                    

*Flasback*

"Tita ano na po gagawin natin??????"

"Hindi ko pwedemg palampasin ang nangyari Claire alam mo yan!"

"Pero tita anong mukhang ihaharap ko sa mga parents? Ako mismo ang puno't dulo nito... At isa pa po hindi ko pwedeng papuntahin si mama dito sa school"

"Si Jack ang nagsimula pumatol ka lang Claire..."

Pumatol ako kaya mas lalong gumulo hays....

"Please tita huwag mo na itong iparating kay mama ok? Tsaka hindi siya pwedeng pumunta sa school—"

"Hmm don't worry Claire hindi ito makakarating kay ate"

"pero ano po magiging punishment namin?"

"Bukas na natin pag-usapan iyan bumalik kana sa dorm. Good night."

*End of flashback*

Ahhhhhhhhhhhh!!!! Bakit ganon yung punishment namin huhuhuhu.

"Nakakainis nakakainis!!!!"

"Manahimik ka Kennedy"

"Tsk nakakainis kasi eh nakakatamad kaya maglinis Gian lam mo naman yun diba diba"

"Mas ok nayun kesa masuspend tayo or kung ano pa mang punishment ibigay satin ni principal Ridge"

Tama si Gian mas ok na yun tsaka maglilinis sa storage room, tutulong sa canteen at sa preparations...

"Pero kelan daw ba magsisimula ang punishment?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Wala pang sinasabi si Principal eh..."

Napatango ako sa sagot na iyon ni Gian at sa pagkaka injan sit. Nandito kami ngayon sa gym dahil Physical Education ang subject namin at hinihintay ang pagdating ni tita.

Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil feeling ko ay may nakatitig sakin kanina pa at nung magawi ang tingin ko sa likod ko ay nakita ko si Jack na nakatingin sakin. Weird.

Taka akong napatingin sa kaniya pero hindi niya inalis ang pagkakatitig sakin kaya medyo awkwardan ako. Hindi naman mukhang galit yung tingin niya sakin gaya noon pero may something na ewan. -_-

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon