6: R.A Girls

4 0 0
                                    

Hindi ko maigalaw nang maayos ang buong katawan ko dahil feeling ko kakalas agad ang mga ito kapag binigla ko ang pagalaw. Bakit ba kase hindi ako ginising ni Gian eh mamaya talaga sakin yun. Bumangon na ko at dahan dahang kumilos. 

Di ako sanay ng nalelate kaya kinakabahan ako ngayon habang naglalakad palabas ng dorm. Nasa garden na ako ng mapansin napansin kong andaming tao sa labas ng school namin at nagsisigawan sila kaya nilapitan ko agad si manong guard para magtanong "Anong meron manong guard? bakit may mga students sa labas?"

Hindi naman sila mgs mukhang nagrarally kagaya nung mga nakikita ko sa tv at lahat ng nasa labas ay puro babae at nakasuot sila ng uniform "Manong guard diba uniform ng school natin yan? bakit po sila nandito? "

naka upo si manong guard sa pwesto niya at nakakunot ang noo at mukhang stress na dahil napaka ingay ng mga students sa labas "ah oo estudyante sila ng Ridge academy pero hindi dapat sila nandito dapat ay nasa klase at nag-aaral sila ngayon"

Ang sakit sa tainga ng mga sigawan nila pilit na kinakalamapag ang gate ng paaralan  "Ano po bang kailangan nila? "

"Makita yung mga crush nila dito."

Crush? Ahhh kaya pala may mga dala silang mga regalo at sinisigaw ang mga pangalan ng mga mag-aaral dito tsk tsk.

"OMYGASH ang gwapo!! transferee ka ba???"

Ako? ako ba tinutukoy ni ate girl na mukhang espasol sa kapal ng make up

"Waahh anong name mo!!!" - sigaw din ni ateng mukhang coloring book

-_- beyen lalande

"Sige na iho baka malate ka pa. Ako nang bahala rito tumawag na ako sa kabilang school para sunduin na sila"

OMO late nanga pala ko myghad si Sir. Vincent pa man din first subject namin hays "Late na po talaga ako heheSige ho salamat po. mauna na ho ako "

Tumalikod na ako at nagmamadaling maglakad dahil 30 minutes na kong late

"Waaahh kuya anong name mo!!! "

Very maingay ng mga yon jusme, hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy nang maglakad

"Hoy lumabas kayo!!!"

Oh? napatigil ako sa sigaw ni manong guard at nilingon ko sya na pilit sinasarado ang gate para mabawasan ang nakapasok na mga R.A Girls pero yung mga nakapasok ay pasugod nang tumatakbo papunta sa direksyon ko

0.0 OMO!!!

\*Q*/ "Waaaahhhh!!!! kuya anong pangalan mo !!!! "

whaaatt? ako ata susugurin nilaaaa!!!

Hindi ko nagawang makatakbo agad at nastuck ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil sa gulat

Huminto sila 10 meters mula kinatatayuan ko. Napaatras ako dahil bigla silang umabante mga mga 9 ata silang mga nakapasok dito sa school. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat na akong tumakbo para makasurvive at hindi mabuko

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon