4: Jack

8 0 0
                                    

Masaya akong nakita ko na ulit si kuya after 10 years pero hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nakaka usap si papa at kuya, konti lang ang oras na meron ako at kailangan ko nang magmadali bago pa nila malaman na may babaeng nag aaral sa all boys school.  Isa iyong malaking scandal lalo na't invovle mismo ang principal ng paaralang ito...

Pero jusme pangalawang araw ko pa lang dito sa academy ay maloloka na ko dahil sa mga kaibigan ni kuya. Pero nasusubaybayan ko naman si kuya dahil lagi silang nakatambay sa dorm namin ni Gian. Kailangan ko lang ng magandang timing.

Breaktime ngayon at naglalakad ako papuntang cafeteria para makakain na ng lunch, nagmadali talaga akong bumaba dahil buset si Kennedy hindi ako nilulubayan tsk.

Pero dahil may sa pusa tong lalakeng to ay naabutan padin ako -_-

"Bitaw" feeling close wengya talaga

"Easy ka lang dude sa cafeteria rin naman punta namin"  (^_^) kennedy

"Ahh"  sabi ko nga cafeteria punta nating lahat. Pagtitiisan ko na lang tong si Kennedy kesa maging loner ako

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko agad ang gwapo kong kuya, woahh tangkad ni kuya tapos ang g-gwapo pa ng mga frenny niya.

Nasa likuran sina kuya na nakasimangot pero gwapo padin kasama sina  Carlo na cool na nakapamulsa at Dylan na nagce-cellphone habang naglalakad. Bale nasa kanan ko si Kennedy na naka yakap sa braso ko at si Gian na madaldal.

Bat ba ang bibilis maglakad ng mga to. -_-

Maraming tao sa Cafeteria pero hindi ko sukat akalain na mag gi-give way ang mga students para sa mga kasama ko. Ay iba!  may reserve na table din para sakanila sa gilid ng cafe. Balak ko sanang humiwalay ng puwesto sa kanila dahil medyo nahiya ako sa kasikatan nila eh. Pero hindi ko yun nagawa sa kadahilanang parang ahas na nakapulupot tong si Kennedy -_-.

Pag-upo namin nilibot ko ang paningin ko bigla kasing tumahimik, tila may dumaan na ewan eh... ok anong meron?  At
lahat sila'y nakitingin samin ay hindi sakin pala -_- awkward mga teh... jusme oo na gwapo na ko kahit maganda ko psh (a/n: pagpasenysahan nyo na ang kahanginan niya. Wala kasing kaibigan hahahah)

"Sakin ba nakatingin yung mga students? " bulong ko sa katabi kong unggoy.

"Hmmmm oo sayo nga hahahah! " sana pala hindi na ko nagtanong -_-

"Anong sa inyo guys" tanong ni Gian na nakatayo na para pumila

"same  " sabay sabay nilang sabi. Ay iba, ang gwapo namang waiter ni Gian hihihi err lalake pala ko ngayon sigh.

"sayo Andy? "

"Ikaw"

O-0
whaaattt!!!!  Tanga ka Rian!!!!  Tanngaaaaaa!!!! 0/////0. Anong ikaw! Hindi pagkain si Gian buset kaaaa!!!

"Huh? " sabay saby nilang sabi. Jusme kinakabaan na ko wahhhh. Baka isipin nilang bakla ako huhuhuhu.

Jusme mga organs ko na frozen na ata sa kaba huhuhuhu

"No uhm I-i mean ikaw lang magbubuhat lahat ng order niyo hehe? " kumagat kayo sa palusot ko utang na loooobbb!!!!

"Ahh hindi sasama si Kennedy sakin haha. Ikaw anong order mo?"

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon