Chapter 10

5 0 0
                                    

"Let's have a deal Andy— Adriana Claire Ridge..."

Sigh " What do you want"

"It's not a want it's a need,  I NEED you Claire I NEED your help... Pero hindi pa ngayon."

Halos wala akong tulog kagabi kaka-isip sa nangyari kahapon, kakaisip kay papa, kuya, kay Carlo lalo na si mama sigh... Nakaka istress buhay jusme

Carlo already know who I am..  Nung una natakot ako dahil baka nasabi na niya kay kuya na ako ang kapatid niya...pero laking pasasalamat ko na hindi iyon ang nangyari.

Malaki ang maitutulong ni Carlo sa mga plano namin ni tita dahil... Una na sa iisang dorm silang dalawa kaya alam niya ang bawat magiging kilos ni kuya pangalawa ay malapit silang magkaibigan kaya  nakakapagsabi si kuya sa kaniya kapag may problema siya...

Pero wengya give and take ang nais ni Carlo tsk. He will help me to talk to kuya and i will also help him to accomplish something kung ano naman iyon -_-.

Pagkatapos ng nangyari kahapon kay kuya at papa ay lalo akong natakot sa pwedeng mangyari...

Maayos ko pa ba ang lahat? Babalik pa kaya kami sa dati?

Pinilig ko ang ulo ko sa mga pinag iisip ko dahil hindi naman ito makakatulong sa akin lalo lang akong ma iistress tsk.

May pag-asa pa...

Laking pasasalamat ko kay Carlo dahil tinulungan niya ako na makalabas nang dorm nila ng walang aberya at dinala ako sa garden ng school at hinayaang umiyak doon.

Sigurado akong tutulungan niya ako at nangako siya sakin  at naniniwala ako...

Ano naman kaya kailangan niya sakin? Hindi ko naman siguro kailangang maging alipin niya kapalit ng pagtulong niya sakin hindi ba? Hmmmm Wag naman sana... Hindi naman niya kailangan ng ganun e.

Knowing him masyado siyang tahimik pero once na nag salita makikinig at mawiwindang ka talaga lalo na kapag masaya siya wierd din niya e, bukod pa don... Ano pa ba? Hmmm ahh masyado siyang observant kaya niya ba ko nahuli? O umpisa pa lang alam na niya?.

Hanggang ngayon misteryo padin sakin kung paano niya nalaman na babae ako at kung anong tunay niyang dahilan para tulungan ako...

Tinanong ko siya kahapon kung paano niya nalamang nagpapanggap lang ako... Jusme dinaan lang ako ngiti -_- palibhasa gwapo hays

Isang malalim na hininga ang binitiwan ko bago ko muling ituloy ang pagtitig sa librong kanina ko pa hawak. Dito ako agad dumietso pagka bell, wala akong gana kumain at kuma-usap ng kahit sino ngayong araw.

Hindi pa ko mababalik sa wisyo kung hindi pa ako sasabihan ng estudyanteng katabi ko na nakaka istorbo na pala ang cellphone ko kanina pa

Agad kong kinuha ang phone ko at humingi ng sorry sa mga taong naistorbo ko dito sa library.

"Where are you? Will you come to my office ASAP? "

"opo papunta na"

Hindi na ako nag dalawang isip pa at nagmadali nang ibalik sa book shelf ang librong hiniram ko at dumiretso na sa office ni tita.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang huli kaming nag kausap ni tita sa personal. Kinakabahan ako sa sasabihin niya tungkol kay mama... Sana ay ayos lang ang mama ko...

"Oh God pamangkin I really missed you huhuhusabi ni tita sakin at agad akong niyakap ng napaka higpit ganun dun ang ginawa ko.

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon