Chapter 11

5 0 0
                                    

Chapter 11

Carlo Elric POV

"What happened Carlo? Ihiga mo siya dito faster!"

Utos sakin ni Sir Vincent na agad kong ginawa "Sir tinulak po siya ni Jack at tumama po ang ulo at likod niya sa puno kaya nawalan siya ng malay"

"What?!" gulat na tanong sakin ni Sir Vincent habang chinecheck niya si Andy pero agad ko siyang pinigilan nang tatanggalin niya sa pagkakabutton ang uniform ni Andy

"Sir what are you doing?" kabadong tanong ko

"Kailangan kong icheck ang heartbeat niya, may problema ba?"

"A-ahh pero hindi niyo naman po siguro kailangang tanggalin sa pagkakabutones ang uniform ni Andy diba?

"I need to do this Carlo, ano bang kaso kung gawin ko iyon? "

Lalo kong natigilan at kinabahan sa tanong na iyon ni Sir at hindi ko ito masagot

"Answer me Carlo"

"A-hmm S-ir...

"Tsk lumabas ka na lang kung puro ganyan ang gagawin mo "

Geez hindi pwedeng matanggal sa pagkakabutones iyon mapapansin niyang may iba... Tsk

"Sir!" muling pigil ko sa kaniya pero huli na ang lahat. Kabadong napatitig ako sa nagtatakang ekspresyon ni Sir at hindi ko alam ang dapat gagawin

"Will you explain this to me Mr. Elric?"

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at napatungo.

'I'm sorry Claire but I need to tell him the truth '

Bago ako magpaliwanag ay sinigurado ko munang walang ibang tao dito sa clinic at nilock ang pintuan para walang makapasok at huminga ng malalim.

Tiningnan kong muli ang walang malay na si Claire at tumingin kay Sir Vincent. I know him personally at alam kong mapagkakatiwalaan siya, pero kailangan mo ng isang maayos at tuwid na rason kapag kukumbinsihin mo siya at nasisiguro kong once na nakuha mo ang tiwala niya ay asahan mong tutulungan ka niya hanggang huli "Sir please promise me that you won't tell this to anyone and keep it to ourselves"

"I can't promise" seryosong tugon niya sakin

"But sir please"

"Explain first before I decide"

Tsk "Ok sir... Andy is a girl..."

I said at tinitigan ang naging reaksyon ni Sir. Hindi makapaniwalang napapikit siya ng makumpirma niya ang nakita niya at muling napatingin kay Andy. Sino ba namang hindi magiging ganyan ang reaksyon kung malaman mong may schoolmate kang babae dito sa eskwelahang puro lalake ang nag-aaral.

"Girl? You mean she? Not he?"

Tumango ako at malakas siyang napabuntong hininga bago ulit magsalita " Her reason is?"

" To talk to his brother"

"what? Makausap ang kuya niya? Pinag lololoko mo ba Ko Carlo?

SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon