PROLOGUE

159 15 0
                                    


Nakadukmo ako ngayon sa table ng isang coffee shop kasama ang mga kaibigan ko.

"Huy Cathriona Bernadette! Anong ini-emote emote mo d'yan? Ha? Parang 'di ka pa nasanay." May pagbatok na sabi sa'kin ni Beca.

Inangat ko ang ulo ko tsaka ko sya tinignan ng masama. Alam namang nakadukmo ako tapos babatukan pa! Minsan di ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa kukute n'yang babae na 'yan. Masakit kaya! Pero mas masakit yung nararamdaman ko ngayon. Bakit ba kasi 'di na 'ko nadala. Ilang beses ng nangyari sakin 'to! Pero bakit 'di pa ko nasanay?

"Pangilang boyfriend mo na ba yang si James huh? Thirteen? Fourteen? Tss. Napakatanga mo talaga kahit kailan!" May pangirap na sabi ni Nerri.

"Shala! Wala sa nabanggit it's fifteen girls. At alam nyo? Imbis na pagsabihan nyo si Cath bakit hindi nyo na lang icomfort? Like duh~" Nalipat naman ang tingin ko kay Nathalie. Seriously?

"Like duh your face. Bakit kaya hindi ikaw ang gumawa?" Kumpronta ni Nerri. "As far as I know ikaw ang dahilan kung bakit naging sila ni Cath. At dahil sayo kaya broken hearted nanaman yan kaya I therefore conclude ikaw ang magcomfort sa kanya." Maarteng dugtong nya.

Yeah. Kaibigan ko talaga sila. At concern na concern talaga sila sa'kin. Grabe natouch ako. Pwede ko na silang bigyan ng ulirang kaibigan award. Wohooooo. Paparty tayo.

"Nagsisi akong nagpasama ako sainyo dito. Mga bwiset! Sige magsilayas na kayo! I don't need you here!" Pagtataboy ko sa kanila.

Pero aba ang mga walang hiya di man lang pinansin ang sinabi ko. Parang wala silang narinig! Argh! Akala ko matutulungan nila ko. Hindi pala. Lalo lang nila kong binwiset! What a friend?

"Alex!" Napakunot ang noo kong napatingin kay Beca dahil binanggit n'ya yung pangalan ng una kong ex. Nakatingin sya sa cellphone nya na parang may tinitignan

"Check!" Pagsabat ni Nathalie. Na parang nagpresent sa isang attendance.

"Seriously guys? What's wrong with you?" Tanong ko sa kanila na hindi na naman nila pinansin at patuloy lang sa pagbanggit ng pangalan ng mga manloloko.

"Jack!"

"Check"

"Drey!"

"Check!"

"Emil!"

"Check!"

"Andrew!"

"Check!"

"Bryan!"

"Check!"

"Chester! John! Rex! Julius!"

"Check. Check. Check and Check!"

"Ken!"

"Check!"

"Sam!"

"Check!"

"Kenneth. Eldris!"

"Check. Check!"

"At ang kukumpleto sa ating card..." Panimula ni Nerri.

"JAMES! CHECK NA CHECK!" Sabay sabay nilang sabing tatlo tsaka humagalakpak ng tawa.

"Pero infairness naman sayo Cath lahat ng naging ex mo ay hot, handsome, cute, basketball players at campus hearthrobs kaso nga lang iisa lang yung goal nila. Yun ay ang lokohin ka." Prangkahang sagot ni Nathalie.

Sabi nila nasa'kin na daw lahat. Maganda...Mayaman...Matalino...Talented...At almost perfect kaso palpak pagdating sa pag-ibig. And yes. I have 15 ex's hindi dahil sa playgirl ako o f*ckgirl. Kun'di lahat sila manloloko. Ewan ko ba kung ano pang kulang sa'kin para saktan nila ng ganun.

Napasubsob na lang ulit ako sa lamesa. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Swear! Ayoko na. I'm tired. I'm tired of that love. I'm tired to this pain. I'm tired to fall. I'm tired of being fool. I'm tired of everything.

Fifteen is enough. I swear I will never give this heart again to someone who's not worth it. My heart is too fragile and I will do anything to take care of it. I won't trust anybody to hurt me again. Never.

Pagkabitaw ko ng mga katagang yan sa aking isip, may nakatakas na butil ng luha galing sa 'king mata.

----------------

Please do vote and comment. Thank you.

MISTAKESWhere stories live. Discover now