CHAPTER 5:NERRI'S POV
Kakalabas lang namin sa hotel kasi tapos na magpalit si Cath ng two piece. Naka plain dark green two piece si Cath. Si Beca naman naka white floral high neck halter two piece. Si Nathalie naka red and white two piece while me I wear my palm tree high neck halter two piece.
I'm ready to hunt hotties~~
Well pansin n'yo naman mahilig kaming apat sa hotties. Pero never pa akong nagka boyfriend. Flirt flirt lang. Si Cath ayun nakarami na kaya ewan ko na lang kung maghu-hunt s'ya.
Naglalakad kami papunta sa cottage namin na ofcourse! Pinareserve ni Cath. Actually kanina pa namin hinahanap yung cottage dahil hindi matandaan ni Cath kung saan banda.
"Cath hanggang kailan ba tayo maglalakad dito? Eh halos paikot ikot na lang tayo oh? Ano ba naman yan." Reklamo ni Nathalie.
Ayan na naman s'ya...lagi talagang sinisimulan ni Nathalie si Cath. Tch. Tumigil sa paglalakad si Cath at humarap kay Nathalie ng nakataas ang isang kilay.
"Eh kung tumulong ka sa paghahanap ng number 34 at hindi kung saan saan umiikot yang mga mata mo edi sana may pakinabang ka."
"Tss. Bakit ako ang paghahanapin mo? Hindi ko naman kabisado 'tong resort n'yo. Tsaka duh~ dapat ikaw ang nakakaalam ikaw nga may ari nitong resort diba?"
"Bakit ko naman makakabisado 'tong resort ako ba gumawa? Ako ba yung architech dito? Hindi di'ba? Ako yung may ari pero hindi ako ang gumawa. Tsaka kung alam ko edi sana kanina ko pa sinabi. May utak ka ba? Magisip ka nga!"
Napatahimik si Nathalie sa sinabi ni Cath. Kailan ba nanalo ang isang 'yan sa sagutan nila ni Cath? Laging ganyan ang dalawa na 'yan uumpisahan ni Nathalie tatapusin ni Cath. But don't worry hindi pa sila umabot sa nagkasakitan sila. How I wish na mangyare yun. Hahahaha!
"Number 34 ba?" Tanong ni Beca sa'kin.
"Oo daw."
"Tch, kanina pa natin nadaanan!"
"WHAT?!" sabay na sigaw naming lahat.
"Nadaanan na natin kanina. Akala ko naghahanap kayo ng hotties kaya lakad tayo ng lakad yun pala yung cottage pala natin ang hinahanap n'yo."
"Your unbelievable Beca Marguerite!" Pairap na sabi ni Cath.
"Ituro mo sakin kung saan bago ako tuluyang mairita sayo at masampal kita pauwi sa inyo." Dugtong pa n'ya.
Nagsimula na maglakad si Beca kaya sinundan namin s'ya.
"Tch. Hindi ko naman alam na yun pala ang hinahanap nila." Bulong na sabi n'ya pero dahil magkatabi kami narinig ko.
"Huwag kasi tanga minsan Beca. Halos naka sampung ikot na tayo dito hindi mo manlang naisipang magtanong."
"Yeah right." Pairap na sagot n'ya sakin bago s'ya tumigil sa paglalakad.
"Here. Nandito na tayo." Announce n'ya. Pero walang pumansin kasi nagdire diretso lang kaming pumasok sa loob. Narinig ko pa s'yang bumubulong bulong dun.
Hindi naman malayo itong cottage namin sa dagat kaya okay lang.
Hays nagugutom na 'ko. Makakain nga muna.
---
CATH'S POV
Nakakagigil din 'tong si Beca eh! Madalas talaga napakashunga. Iniwan ko na sila sa cottage nung mailagay ko na dun yung mga dala ko. Pero dinala ko yung phone ko just in case, hindi pa naman ako magsiswimming kaya okay lang.
YOU ARE READING
MISTAKES
RandomA story of a girl. Who have a lot of ex's, fifteen ex's actually. She's kind, beutiful, smart, talented and rich. She did'nt know why those jerk always break her heart. She said "fifteen is enough. I swear I will never give this heart again to some...