CHAPTER 2

73 8 0
                                    

"Hi Princess. How's your day?"

Bakit kaya nandun sila? Bakit ganun yung mga naging reaction nila nung makita ako? Bakit...bakit sabay sabay silang nagpakita? Bakit nandun yung mga manlo---

"Huy Princess!"

"Ay manloloko! Myghad Dad! Aatakihin ako sa puso sayo eh!" Grabe naman makapang gulat si Daddy.

Wait? O.o

Nasa bahay na'ko? H-how come? Kanina lang nasa mall ako kasama yung mga manloloko kong ex. Kanina lang kasama ko pa si kuyang nagligtas sakin sa mga ex ko. Panong nangyaring nasa bahay na ko?

Hays. Occupied na siguro masyado yung utak ko sa mga nangyare kaya hindi ko namalayan na nakapag drive ako pauwi. -___- buti hindi ako nabangga kun'di lagot talaga ako kay daddy.

"CATHRIONA BERNADETTE!!!" Sigaw sakin ni Daddy. Napakunot naman ako ng noo. Bakit ba naninigaw si Daddy?

"Oh Dad. Bakit ka sumisigaw d'yan?" Takang tanong ko.

"I've been calling you for three times already! Bakit nakatulala ka lang d'yan? I'm asking you, how's your day?"

O.O Tinatawag pala ko ni Daddy! Bakit di ko napansin?

"A-ah hehe sorry Dad. My day is good. I'm just tired. Akyat na po ako." Pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihing 'kong nakita ko po yung mga ex kong manloloko tapos may nagligtas po sakin at sinabi n'yang boyfriend ko s'ya -___- edi lalong naghysterical si Dad.

Umakyat na ko papunta sa kwarto ko. Pag bukas na pag bukas ko ng pinto sumalampak na agad ako sa kama ko. This day is so fucking tired. Naalala ko bigla si kuyang nagligtas sa'kin hindi ko manlang naitanong yung pangalan n'ya.

Hila hila ako ni kuya papunta sa kung saan. Napagtanto ko na lang na nasa parking na pala kami.

"U-uh thanks nga pala." Sabi ko ng hindi tumitingin sa mga mata n'ya. Hindi s'ya sumagot bagkus ay binitawan n'ya yung kamay ko at nauna ng lumakad. Bastos! Hindi man lang ako tinulungan magbitbit ng mga dala ko!

Nagulat ako nung tumigil s'ya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap s'ya sa'kin sabay sabing...

"No problem." Tsaka s'ya ngumiti. Napatulala ako saglit dahil sa pagngiti n'ya. Mukha s'yang anghel na bumaba sa langit.

"Totoo bang ex mo silang lahat?" Nagulat ako sa tinanong n'ya. Nakatayo pa rin kami at hindi ko alam kung bakit kami tumigil. Napatungo ako dahil sa hiya. Baka akalain n'ya malandi ako. "Uh I did'nt mean to offend you. It's okay if you don't want to answer my question." Sabi n'ya tsaka pilit na ngumiti.

"Yes they are my ex. They just fooled me and I don't know why they are acting like that." Sabi ko tsaka pilit na ngumiti. "By the way I'm Bernadette. Nice meeting you." Nilahad ko yung kamay ko for a hand shake.

"Nice to meet you Bernadette. I'm Jo---"

Hindi n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng may biglang tumunog na phone. Sa kan'ya ata. Tumingin muna s'ya sakin kaya tumango ako.

"Yes?....Why?....Shit that girl....Okay okay....I'm on my way"

Lumapit s'ya sa'kin ng natataranta. Bakit kaya?

"Uh Bernadette I need to go. Something just happened. Nice meeting you." Sabi n'ya sabay bigay sakin ng...calling card??

Paglingon ko sa kan'ya nakasakay na s'ya s kotse n'ya. Kaya naman pala kami tumigil kasi dito nakapark yung kotse n'ya. Tss. Tinabi ko na lang yung calling card sa pouch ko.

Ngayon saan ko hahapin ang kotse ko? Nilibot ko ang paningin ko sa parking lot. Tanga -___- nasa gilid ko lang pala.

Agad kong naalala yung calling card at dali daling kinuha yung pouch ko.

______________________________________________________
|
|
| CHRENZ COMPANY
|
| Located: ***** Blvrd.
|
|
| Johan Dridgit Chrenz
|
| 0926-123-456
|
|_____________________________________________________

So Johan pala name n'ya...Sino kaya yung tumawag kanina sa kan'ya? Mukhang alalang alala s'ya eh.

*knock* *knock*

Napatingin ako sa pinto nung bumukas ito.

"Dinner is ready."

Si Daddy lang pala. Ngumiti ako. "Okay Dad. Susunod na po ako."

"Okay. But change your cloths first." Sabi n'ya tsaka umalis.

'Di pa pala ako nakakapagpalit. Hays! Pagkatapos kong magpalit at lahat lahat, bumaba na 'ko. Naabutan ko si Dad na may kausap sa phone at nakangiti ng todo. Napakunot ang noo ko. Who's that? Nung napalingon sa'kin si Daddy nagpaalam na s'ya sa kausap n'ya.

"Who's that?" Tanong ko habang kumukuha ng pagkain.

"Who's who?" Kunot noo'ng tanong ni Dad. -__- maang maangan pa.

"The one that your talking through cellphone a while ago."

"Ahhhh."

"Who's that?"

"Who?" Argh! I'm going insane! Nakakabobo kausap si Daddy! Halata namang nagkukuyare lang s'ya!

"DAD!"

"She's a friend of mine. Okay?"

"Did you just say SHE?"

Tumango lang si Dad na parang wala lang. Why in hell is he talking to that girl?

"What?! Dad naman!"

Huminga si Dad ng malalim. "Princess, hindi naman ibig sabihin nun ay papalitan ko na kayo ng mommy mo. Cathy is 12 years dead and she will always be at my heart. I won't replace her. But princess, I'm getting older, all I want is the one who can take good care of me. And the one that makes me happy... and Sheena can."

"So you're saying Dad na you want to marry her?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yes."

"But Dad..."

"Princess, I take care of you in 12 years. I did what I think that will makes you happy. Because I love you. Can you do the same for me princess?"

Napa buntong hininga ako sa sinabi ni Dad. Tama naman s'ya. He take good care of me at hindi n'ya hinayaang makaramdam ako ng lungkot nung nawala si mommy. Lagi s'yang gumagawa ng paraan para mapangiti ako. And now this is my time to make my Dad happy.

Huminga ulit ako ng malalim tsaka sinalubong ang mga mata ni Dad.

"I want to meet her."

Napangiti si Dad sa sinabi ko. Kaya napangiti na din ako. Seeing my father smlie makes me smile too. And I know I made the right decision.

"Soon princess, soon. I know you will like her. She's kind." Sabi ni Dad ng nakangiti. I know that my Dad is happy right now and I feel the same.

Have another mother?

Hmm sounds good, right?

MISTAKESWhere stories live. Discover now